Chapter 29

17 1 0
                                    

Be direct. Be persistent.

Kung ayaw na ni Raphael na magdala ako ng pagkain don sa loob ng office niya, siya ang ilalabas ko.

Aayain ko siyang kumain sa labas. A date, basically. Kakontsaba ko na si Tita Ruella dito.

I already assumed that Raphael won't leave his office and his pending works. That's why I asked for Tita's help. Sabi niya, pakiusapan niya daw yung nephew niya na nagtatrabaho sa kanila na siya na muna ang mag asikaso don sa paperworks na siyang inaatupag ni Raph. Pumayag naman daw ito.

Kaya naman, papunta na naman ako sa office niya. Alam kong sinabihan na niya akong "I don't want you coming here." Pero makulit ako eh. Bahala siya.

Ilang araw muna ang pinadaan ko mula noong sinabihan niya ako non. I gave him time to realize that he misses me already. Medyo assuming tayo sa part na yon pero who knows? Baka nga namimiss na niya ako. Halos dalawang linggo ba naman ako pabalik balik noon, na may dalang iba't ibang klase ng putahe.

Kung hindi man ako, kahit yung mga luto ko man lang mamiss niya. At least naiisip pa niya ako.

Pagkapasok ko, nakita ko ang saglit na pagtigil ng mga mata niya nang makita ako, na tila ba hindi makapaniwalang andito ulit ako. Iniwas niya ang kanyang tingin saka nagsalita.

"What do you want this time, Ms. Wong?"

I pouted. Ms. Wong. Ang cold naman. Pero laban!

"I want a date," I said directly. "I want you to date me."

Napaangat muli ang tingin niya. Hindi siya nakasagot agad. Nagulat ata sa request ko.

"Seems like you have a lot of free time," he finally answered.

"Mhm. I freed my time for you."

Talagang nag-vacation leave ako para dito.

"Well, I don't have time for it," sabi niya. Expressionless na nakatingin sa akin. "As you can see, I have a lot of paperworks to do."

"May solusyon ako diyan. I called Tita Ruella. I said we're going on a date. Papupuntahin niya daw dito yung pinsan mo para sya na muna magtuloy niyan."

Natahimik siya. Nagtagpo ang kilay na tila di makapaniwala don.

"It's not just paperworks. I also have to meet up with someone."

"Hindi ba pwedeng mamove?"

"Why would I move it? Just to go on a date? That's unprofessional."

I won't deny. My heart somewhat ached from that.

Just to go on a date. Ang dating non ay parang wala talaga siyang interes at di niya iyon prayoridad.

Napalunok ako. Para kasing may bumara sa lalamunan ko at di ako halos makapagsalita.

"Right," mahina kong tugon. Slightly embarrassed.

We are inside a workplace. And here I am talking about dating.

Buti na lang tumunog ang phone ko. I had an excuse to stop looking at him. Because I felt like if I still continue to watch his stoic face that seems to have no care for me, maiiyak na ako right then and there.

"Y-Yes?" sagot ko sa tumawag. Tumalikod muna ako kay Raph para sagutin ang tawag ni Arlan.

"Jazmine! Bakit wala ka ngayon sa office?"

"Ah. Naka-VL ako. Bakit?"

"Ahh. Birthday ko kasi ngayon. Maghalf day lang sana ako."

"So? Share mo lang?"

The Boy Next Door (Ikalawang Pinto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon