Bri's POV
Nakaupo lang ako dito sa music room habang naghihintay kina Wade at ang mga kabanda niya. Gosh! 'Di pa yata tapos mga klase nila. Eng tegel nemen.
May praktis kasi ang banda nila para sa program next week.
Yes! May banda nga sila. Si Wade yung leader ng band. Siya rin yung singer/guitarist nito. Habang si Wes naman ay sa piano at nagsesecond voice rin siya. Yiiieeh! Kakainlab talaga si my loves. Hihihi.
May dalawa pa silang kasamang miyembro. Si Kit at si Blake. Si Kit sa drum set at si Blake naman sa electric guitar. Noong una tinawag ko silang mga kuya pero nagreklamo sila dahil hindi naman daw nalalayo ang mga edad namin. So I just called them by their names.
Pare-pareho silang pogi at yummy. Pero siyempre si Wesley my loves parin ang angat sakanila for me. Hihi.
Napakurap ako ng may biglang kuminang mula sa stage doon sa kinalalagyan ng mga instruments nila.
Hmm. Ano kaya yun?
Dahil nacurious ang lola niyo, agad akong umakyat at nilapitan kung saan yung kumikinang na bagay.
Tinitigan ko itong mabuti. Isang singsing. Isang singsing na nakatali sa hawakan ng isang gitara. OMG! Kung hindi ako nagkakamali kay Wade itong guitar!
Hinawakan ko yung ring. Sakanya kaya itong ring? Naku! Bobo mo naman Bri! Malamang! Nasa guitar nga niya diba? Tss. Pero ba't may ganito siya? Mukang wedding ring e.
Inalis ko ito sa pagkakatali at pinakatitigang mabuti. Hmm. May nakaukit sa loob nito! Inilapit ko pa yung singsing sa mata ko para mabasa ang nakasulat.
A ♡ W
Huh? A love W? Engagement ring ba 'to? Plane gold ito at sobrang kintab. Halatang inaalagaan.
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi kaya? Napatakip ako sa bibig habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa hawak-hawak kong singsing.
Hindi kaya ninakaw ni Wade ito? Imposible naman kasing kanya to e.
Sa sungit niyang yun!Tsk. Walang babaeng magtatangkang lumapit at makipagflirt dito. I'm sure of that.
Napatalon ako at nabitawan ang ring ng biglang bumukas yung pinto. Iniluwa niyon si Wade na kunot na kunot yung noo. Naglakad siya palapit sa stage at nakasunod lang pala sakaniya sina Kit, Blake at My loves.
Napatingin ako sa paanan ko kung san ko nahulog yung ring. Kailangan kong maibalik yun sa pagkakatali now na di pa sila nakakaakyat sa stage!
Nanlaki ang mga mata ko. Dumagundong sa kaba ang heart ko. OMG! Wala na ito dun!
BINABASA MO ANG
Exchange of Hearts
Teen FictionShe strongly believed in forever. He never believed in forever. She was always carefree. He was always serious in everything. Unexpectedly, She fell for him. He didn't catch her and let her fell into the ground. She loved him. He didn't even liked h...