Chapter 1: Aiden Wade Dela Cruz

42 9 0
                                    

"Wade..." Tawag sakin ng isang babae sabay yugyog ng mahina sa balikat ko.


I groaned. Tangna naman! Aga-aga, nambubulabog.


Humarap ako sa kabila at sinubukan ulit matulog.


"Wade." Tawag niya ulit sabay tapik ng mahina sa pisngi ko. Kulit!


"Uy, Wade. Gising na kasee." Marahas na tinanggal ko ang kanyang kamay na tumatapik sa pisngi ko at nagtalukbong ng kumot. "Will you fvcking get out of my room, Brianna?!" Sigaw ko dito.


I heard her sighed. "Mom told me to wake you up. Or else di ako makakakain. Eh gutom na kase ako kaya pwede ba bumangon ka na lang?" I can imagine her frowning.


Humawak ako sa ulo ko at halos sabunutan ko ang sarili sa sobrang inis.


Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama para tignan siya ng masama. Tsk! Kahit kailan, istorbo talaga itong babaeng 'to. Palagi nalang! Palaging bitin tulog ko dahil sa pagkaaga-agang panggigising niya. And worst, linggo ngayon for pete's sake! "Kumain ka nalang kaya sa labas. Naghihirap ka na ba at di ka makabili ng sarili mong pagkain? Ha?!" Iritang tanong ko dito.


"But I love mom's cooking!" She pouted.


Napapoker face nalang ako. Pambihira. "Ilang beses ko pa bang sasabihin sa'yo na don't call my mom, your mom. 'Di ka pa Dela Cruz, at kahit kailan ay hinding-hindi ka magiging Dela Cruz, Brianna. Now, get out of my room!" I commanded.


Naiirita ako sa tuwing tinatawag niya si mommy na parang nanay niya rin ito. Hindi siya yung pinangarap kong tatawag sa mga magulang ko ng mom at dad eh. Hindi siya yung pinangarap kong magiging ina ng mga anak ko. Hindi siya yung pinangarap kong makakasama ko hanggang sa pagtanda. Hindi siya e. Hindi siya!

She rolled her eyes at pinagkrus ang kamay sa dibdib. "Wag kang feeling Aiden Wade Dela Cruz kasi hindi ko naman ginustong ipagkasundo ako ng mga magulang ko sa'yo noh. Tsaka si Wesley ang crush ko at hindi ikaw. Malas ko nalang at ikaw ang panganay."


"Mas malas ako kase sa dinami-rami ng babae sa mundo, ikaw pa na iresponsable, childish, at abnormal ang ipinagkasundo sakin."


Tumunog ang phone niya at agad naman nitong binasa ang mensahe.
Bahagya itong napangisi kaya kumunot ang noo ko.

Binulsa niya ulit ito at tumingin sakin. Para siyang nangingisi pero muka namang pinipigilan niya. Tss. Seriously, muka siyang nasisiraan ng bait. "Tse!Diyan ka na nga!" Sabi niya at padabog na lumabas mula sa kwarto ko.


Lalong kumunot yung noo ko. What's with her? Mukang kailangan na yatang dalhin sa mental ang babaeng yun.


By the way, Wesley is my younger brother. Magkaedad lang sila ni Brianna. They're both 16 and I'm 17. Isang taon lang ang tanda ko sakanila.


Psh. Kung bakit nga ba ako pa yung panganay? Bakit hindi nalang si Wesley ang ipakasal sa babaeng yun? Eh di sana hindi hassle. Napahilot ako sa sentido ko. Sumasakit yung ulo ko kapag naaalala kong may fiance na ako. Fiance na hindi ko naman mahal.

Exchange of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon