Wade's POV
Nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok mula sa pinto ng kwarto ko.
Haist! Tangna istorbo!Napatingin ako sa orasan sa may bed side table ko habang nag-uunat at humihikab pa.
O.O
Agad akong napaupo. Sh*t! 9:00 am na! May practice pala kami ngayon ng banda and I'm 2 hours late! Sh*t sh*t sh*t.
Agad kong tinungo ang pinto at pinagbuksan kung sino man ang letseng parang gustong gibain ang pinto ng kwarto ko kung makakatok.
Bumungad sakin ang mga pagmumuka nila Kit, at Blake. Napataas ang kilay ko. Anong ginagawa ng mga to sa pamamahay ko? "Hey Wade. Alam namin na malelate ka na naman kaya pumunta na kami sa house mo at napag-isipan naming dito nalang magpractice." Nakangiting sabi ni Blake at mukang sobrang excited pa ng gago.
Tumango nalang ako at sinabihan silang hintayin ako sa music room ng mansion. Matagal na kaming magkakaibigan kaya siguradong alam namin ang lahat ng pasikot-sikot sa bahay ng isa't-isa. Palagi kasi kami noong nagbibisitahan.
Kumain na muna ako at naligo bago sumunod sa music room. Naabutan ko silang nakapwesto na.
Napatingin ako sa may piano narito narin pala si Wes at ang sama ng tingin niya sakin. Tsk. Problema niya? Parang may kasalanan ako sakanya na ewan sa klase ng tingin niya e.
Di ko nalang siya pinansin at pumwesto na sa gitna. Baka bad mood lang ang gago. Wala kaming sinayang na oras at nagpractice na.
Peste kasi. Palagi nalang akong late nitong nakaraang mga araw dahil hindi na ako ginigising ni Brianna na palagi niyang ginagawa. Halos di ko narin siya makita dahil paggising ko ay sinasabihan ako nina mon na maaga daw itong pumasok sa school kahit di ko naman tinatanong. Psh. Pakialam ko sa babaeng yun?
Tapos di ko rin ito nakakasalubong sa eskwelahan. Di narin siya nanunuod ng mga practice namin. At di na rin niya ako kinukulit. Mukang iniiwasan yata ako ng babaeng yun.
Well masmaganda na yun dahil galit parin ako sakanya. Winala niya ang singsing ko! Damn that girl!
Nakaupo na kami dito sa living area at nanonood. Katatapos lang naming magpractice after an hour ay naperfect na namin ang kantang ipeperform namin for the program.
"Hey Bri!" Malapad ang ngiting bati ni Blake sa kararating na si Brianna.
Napatingin kaming lahat dito. Halatang gulat si Brianna na makita niya kami dito. Kumuyom ang kamao ko just by the sight of her. Naalala ko na naman yung singsing ko.
Naka-uniform pa ito. Halatang galing pa sa school. Psh. If I know pumasok lang yan para tumambay sa canteen.
"A-ah eh. Hi Blake." Tipid siyang ngumiti kay Blake. Lalakad na sana siya paakyat ng hagdan ng tawagin siya ni Wes.
"Bri, dito ka muna." Sinenyasan nito na umupo siya sa tabi niya.
Hmm. He likes her, huh? Saan kaya pinakulam ni Brianna si Wes para magustuhan siya nito?
Bri's POV
Napalunok ako ng sunod-sunod at biglang kinabahan. "Ah. Wag na, Wes. Pagod kasi ako kaya dun muna ako sa-- " I sighed. "Sige na nga." Pumayag na ako. Ano ba naman kasi itong si Wes! Bigla kasing lumungkot yung itsura niya nung akmang irereject ko siya kaya nakonsensiya naman ako.
Biglang umaliwalas yung gwapong pagmumuka nito at halos kuminang ang mga mata ni wes sa sobrang saya.
Tulad ng gusto niya e naupo ako sa tabi niya. Nakayuko lang ako dahil ramdam na ramdam ko mga titig nila sakin.
"Bakit di ka na nanonood ng practice namin Bri?" Napakagat ako ng lower lip sa tanong ni blake. Kaharap namin sila ni Wes. Katabi niya si Kit. Pareho kaming nakaupo sa pangdalawahang couch habang si Wade naman ay nakaupo sa mahabang couch.
"B-busy kasi ako." Palusot ko kahit wala naman talaga akong ginagawa sa school kung hindi magditch ng class at lumamon ng lumamon.
Nag-angat ako ng tingin para makita ang reaksyon ni Blake sa sagot ko. Tumango-tango ito while holding his chin. Napapalakpak ako sa aking mind. Mukang napaniwala ko siya.
"May naging boyfriend ka na ba?" Nagulat ako sa biglang tanong ni Kit. Ramdam ko rin yung paninigas nitong katabi ko. First time to! Ito yung unang beses na kinausap ako ni Kit. Nanlalaki ang mga matang tumingin ako sakanya. Agad din akong napaiwas kasi nakakailang yung titig niya!
P-pero ano yung tanong niya? "H-huh?"
"May naging boyfriend ka na ba?" Ulit nito.
Wth? Ba't siya nagtatanong ng ganyan? Gusto niya ba akong maging girlfriend? Kung oo e okay lang naman sakin. Pogi naman siya, maputi, hot--- O.O
Erase! Erase! Naku Brianna! Letse ka! Sarap mong sabunutan! Landi-landi mo na ha!
Umiling-iling ako. "W-wala pa."
"Eh first kiss?" Si Blake na naman.
Nanlaki na naman yung mata ko sa tanong niya at di ko maiwasang mapatingin sa direksyon ni Wade. Nakatingin rin pala siya sakin kaya agad kong ibinaling ang tingin sa iba.
Biglang nagflash sa utak ko kung pano niya ako hinalikan that night when we were trapped.
>\\\\.\\\\
Waaaaah! Feeling ko sobrang pula na yung muka ko! Naman kasi Blake eh!
"W-wala!" Sagot ko kay Blake at nagtatakbo na paakyat sa hagdan. Gosh. Hindi ko na kaya pang manatili dun! Pakiramdam ko, mamamatay na ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Papasok na sana ako sa kwarto ko ng biglang may humatak sakin at isandal ako sa pader. Isinandal niya yung mga braso niya sa magkabilang gilid ng ulo ko kaya parang nakakulong ako sa pagitan niya at ng pader. Tinitigan niya ako. "Iniiwasan mo ba ako dahil sa halik na yun?"
Napalunok ako. Ramdam ko na naman yung abnormal na pagtibok ng puso ko. Ang lapit ng muka niya at tumatama sa muka ko ang mabangong hininga niya. Hindi ako makasagot.
"Answer me, Brianna."
Hindi ako kumibo. Eh kung lumayo ka kaya sakin ng konti Wade para makahinga naman ako ng maayos!
Bumuntong hininga ito. "It's just a kiss. Walang malisya yun dahil wala naman akong nararamdaman para sayo. Kalimutan mo nalang yun at wag mang-iiwas ng dahil dun. Gusto kong umiwas ka dahil natatakot ka because you lost my ring not because of the kiss. Yun yung isipin mo. Nakakabadtrip kasi yang ginagawa mo alam mo ba yun? Para kang nag-aassume na ginawa ko yun dahil gusto ko pero ang totoo naman e ginawa ko yun para lang patahimikin ka. Nothing more."
Pagkatapos nun ay umalis na siya.
Pumasok na ako sa loob at ibinagsak ang sarili sa malambot kong kama.
Napatitig ako sa kisame. Bakit ganun? Bakit parang may kung anong kumirot dito sa dibdib ko dahil sa sinabi niya?
Bakit parang ang sakit?
Bakit nasasaktan ako? Naramdaman ko lang yung ganitong uri ng sakit nung time na hindi binili nila mom yung gusto kong laruan nung bata pa ako nakakamatay daw kasi yun. It was a real gun. Parang nabibiyak yung puso ko noon like what I'm feeling right now.
Hayyy Wade. Anong ginagawa mo saking hayop ka? Hindi ko dapat nararamdaman yung mga 'to e. Hindi dapat pero wala e. Andito na. I can feel it. Gusto ko na siya. Gusto ko na si Wade.
Pumikit ako at unti-unti na akong hinila ng antok.
BINABASA MO ANG
Exchange of Hearts
Ficção AdolescenteShe strongly believed in forever. He never believed in forever. She was always carefree. He was always serious in everything. Unexpectedly, She fell for him. He didn't catch her and let her fell into the ground. She loved him. He didn't even liked h...