Bri's POV
"Hija! Goodness dito ka lang pala. Where's Wade?" Hinanap ng paningin nito si Wade sa buong living area.
I just shrugged at mom's question. Ewan ko dun, tatlong araw na silang hindi umuuwi kasama si Wes. Siguro sobrang busy nila sa practice for the up coming program sa school.
Balita ko rin na kina Kit sila nag-sstay. Di siguro napansin ni mom na wala yung dalawang binatilyo niya because she was always on her office these days. Busy na rin kasi si mom ngayon lalo pa't nangibang bansa na muna si dad para sa isang mahalagang meeting sa Singapore.
Napatingin ako sa may malaking picture frame sa pader malapit kay mom. Isang picture ng batang wade na napakatamis ng ngiti. I sighed. Kailan ko kaya siya makikitang ngumiti ng ganyan sakin? Palagi kasi siyang masunget sakin e. Parang pinaglihi sa sama ng loob.
Pero kahit ganun yun sakin, inaamin ko miss ko na si Wade at di kompleto yung araw ko kapag di ko siya nakikita. Pero buti na sigurong wag ko muna siyang makita. Naguguluhan pa kasi ako sa feelings ko eh. You know, I like Wade and I also like Wes! Like what the hell, right? Talandi lang e.
Pero kasi, yung nararamdaman ko kay Wes, ibang-iba sa feelings ko for Wade. Alam mo yung feeling na makikita mo palang siya e parang hihimatayin ka na sa sobrang bilis ng heart beat mo? Tapos parang may kumikiliti sa tiyan mo na ewan.
Tss. Nakakabaliw 'tong nararamdaman ko and it's all new to me.
Ibinalik ko ang tingin sa TV. Napahagikhik ako nung makita kong gumagawa na naman ang favorite character ko ng kalokohan sa mamang pugita.
I'm watching my favorite cartoon character, SPONGEBOB! hihihi. I love him so much na pati yung kwarto ko dito sa mansion nila Wade ay siya parin ang decoration mapakumot man o kurtina. My room here and my room in our mansion is covered with my one and only spongebob.
Ang pagkaadik ko rin sakanya ang dahilan kung bakit may underwear akong spongebob!
Natigilan ako sa naisip. Spongebob underwear.....I remembered him, again. Tsk naalala ko na naman mga nangyari that day!
I shook my head to erase the thoughts. Ilang araw na bang ginugulo ni Wade yung isip ko? Haist. Di ko na mabilang.
Napatingin ako sa gilid ko when mom sat beside me. "That young man! Nakuuu. San ba nagpupupunta yun ng ganito kaaga?" She sighed.
She looks so frustrated. Kawawa naman si mom di man lang kase nagpaalam sina Wade! Tsk. "Mom, nasa ano po sina Wade--"
"I just went out to buy something, mom." Napatingin kami sa nagsalita. And there I saw the guy who was occupying my mind the whole time. Nakapamulsa si Wade habang naglalakad palapit samin. Medyo gulo pa yung buhok niya at nakasando lang ito ng itim tapos pants at vans. Ang gwapoooooo!
I froze when he sat beside me. Ito na naman yung abnormal kong puso!
![](https://img.wattpad.com/cover/39550572-288-k765337.jpg)
BINABASA MO ANG
Exchange of Hearts
Teen FictionShe strongly believed in forever. He never believed in forever. She was always carefree. He was always serious in everything. Unexpectedly, She fell for him. He didn't catch her and let her fell into the ground. She loved him. He didn't even liked h...