Chapter 1

66 4 0
                                    

September 12, 2022 ito yung unang araw ng first face to face classes sa school namin. Medyo kinakabahan since freshmen and sophomore years ko ay online class lang. Kaya naman medyo nababahala rin ako kasi wala akong closefriends sa section namin. 

Paano ba naman kasi may close friend sana akong kasama ngayon kung nag Civil Engineering din ako, sana kasama ko ngayon yung highschool friendship ko na si Joy. But syempre sinunod ko lang naman yung sinisigaw ng aking isip.

 Isip lang, kasi yung sinisigaw ng puso ko eh Architecture but dahil magastos sa art materials. Edi nag Computer Engineering po ako. Yon naman talaga yung first choice ko Computer Engineering, since ICT yung track ko noong Senior High School. Kaya stock knowledge na din.

Tapos sa second choice ko naman nung entrance exam na nilagay ko sa form ay Civil Engineering. If you notice inuna ko talaga yung Computer Engineering. Kasi yung strategy nito para makapasok ka sa isang very high standard university ay to write first,  yung choices na program na sa tingin mo kaya mo at followed naman sa second na mahirap na program. Which for me ay Civil Engineering. 

Tapos lucky ay nakapasok ako sa univeristy, thanks G! Plus I got into the scholarship that I've applied last March 2020. So lucky for me na walang exam yung scholarship since nagkapandemic na. They just consider the qualifiation doon sa interview nila sa'min at maybe sa family status na din. 

Since nilagay ko doon ay factory worker sa mama ko at laborer lang sa papa ko. So guess effective yung style ko na poor talaga yung content sa documents ko for them hehe. So ayun, may tatlong libo akong monthly allowance.

Tapos dagdag pa natin yung small support from my tito  Father and from my aunt's from states. It was a big help from them kasi hindi talaga kasya yung salary ni mama. Sa apat namin na magkakapatid. 

Tapos si papa selling firewood lang yung source of income niya kaya medyo gipit talaga siya kung magbibigay pa siya samin. But all in all, family is good naman. Abundant namin kami sa blessings from God. Hindi naman po kami umabot sa isang kahig, isang tuka.

Okay, so yun na nga, face to face na namin this September 12. It's thursday at 4pm since 1 subject lang sya actually. Ito ay sa Circuit Design namin na subject and by tomorrow face to face din. Same time 4 pm if you might wonder bakit one subject lang, that is because the other subjects are online classes since pandemic pa din. 

Yung mga subjects na need nang in person or hands on na mga actitivies ay pinag face to face talaga so yeahhh...

By the way, I'm in my junior year in college and first semester palang namin. Since we just enrolled this month of August. Then we have this Week of Welcome for all transferees and freshmens and that's face to face.

I'm guessing it will be fun  siguro but sadly gusto ko din pumunta but wala akong same program na Computer Engineering na kasama for the event. There having online event din for those can't make it, and to watch na din daw for all satellite campuses. 


Fast forward>>>>>>>>>


------------September 12----------- 


Today is the day!

Makikita ko din sa wakas ang mga classmates ko. Kabado din kasi introvert pa naman ako. I've really prepare for this day. Naligo ako ng maaga, inihanda ko yung mga gamit ko for school, full charge ang phone with data of course. Para may pangscroll-scroll ako while being alone or something na malibang ko lang sarili ko.

Naka-schedule na din na by 2pm aalis nako sa bahay. Hindi naman aabot ng one hour yung biyahe to school. Mga fourty minutes lang siguro but I'm guessing na traffic din. Kukuha at kukuha talaga ito ng isang oras sa biyahe. Mas mabuti ng maaga kay sa late. Hindi ko pa naman kabisado ang daan inside the school. Especially yung room ng class namin today. Problema ko din to. 

Hindi pa ako nakakaalis sa bahay, ay ang earth?!

Umulan ba naman!

Faaccckkkkk!!!!!! Yung sapatos ko madali pa naman nababasa.

Outfit for the day pala is White Shirt na may minimal print sa harap, skyblue jeans, and dark blue topsider shoes without shoelace po, and then dark blue bagpack. Then for hair, ponytail lang para hindi messy sa jeepney while papuntang school. Mahaba kasi yung buhok ko, hanggang waist tung taas nito. Kaya sometimes need talaga na nakatali para hindi ako messy tingnan. 

Double TakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon