"Isinuko niya ang lahat para sa akin ngunit ngayon, nandito ako sumusuko na sa kaniya."
Shit magt-three minutes late na ako. Lord sana may kasabay ako na ma late ngayon huhu. Nakakainis naman kasi ang traffic. Mahihirapan nanaman akong umuwi mamaya.
Naglakad na ako palapit sa pintuan at walang hiyang binuksan iyon ng walang kahit na anong pag-aalinlangan.
I don't care naman because last day na namin today. Di na ako aattend sa Christmas Party bukas.
"Late ka nanaman ng 5 minutes Ramos! Last day na nga lang late ka pa rin!" Galit na sabi ni prof. Eleazar.
Tsk siya nga nung 1st quarter laging late at absent, nag reklamo ba ako? Kainis.
"Napuyat po kasi si Yeshua kaka private message sa akin kahapon sir" kinikilig na sabi ni Vince.
As if ginusto kong i pm siya. Pina chat lang naman siya sa akin ni Jane dahil gusto siya ni Jane. Naglakad na ako padabog sa upuan ko at umupo na. Umagang umaga iniinis ako ni Vince pero pasalamat siya... Nakasabay ko si N kanina.
"Bhie spill the tea, ano ganap sa inyo ni Vince? Siguro kayo na noh? Lagi kayong magkasama, lagi kang nililibre ni Vince tas—" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang bigla kong tinakpan ang bibig niya.
"Yuck! Kadiri ka Megumi! Sa 10 years nating magka ibigan hanggang ngayon di mo pa rin nagegets na hindi ako nagkakagusto sa ganoong lalaki? Ang pangit pangit ni Vince tas magugustuhan ko siya? A BIG YUCK!" Naiinis kong sabi at padabog na nilabas ang aking notebook. Like eww, naka Cattleya Notebook ako, G-Tech ballpen, naka iPhone 13 pro max na fully paid, naka aquaflask, maganda and mayaman tas si Vince?
"Ay bhie nagawa mo yung assignment? Pakopya bhie Diko nagawa mas inuna ko pa kasi si L kaysa sa Assignment eh" wika niya sabay yuko. Nasanay na ako kay Megumi at Jane. Pero naiintindihan ko naman sila. Katulad din nila ako dati.
KAKATAPOS lang ng klase ngayon at pupunta ako sa library dahil tatapusin ko nang basahin yung binasa ko kahapon. Pagkapasok ko sa library, agad akong pumunta kung saan ko nakita yung libro pero hindi ko nakita yung libro at ang nakalagay sa puwesto ng libro ay isang lumang notebook. Nagdalawang isip ako kung kukunin ko ito o hindi pero kukunin ko na lang may student lang kasi siguro na bored ang naglagay ng notebook doon at puro kalokohan lang yung nakasulat.
Humanap agad ako ng puwestong mauupuan at nagsimula nang buklatin ang libro. Sa tingin ko hindi present student ang nag sulat nito dahil yung mga Pages at yung handwriting. Isa itong diary.
Agosto 10 1887,
Dalawang taon na ang nakalipas simula noong huling nagpakita sa akin ang lalaking aking pinakamamahal. Hindi na siya tumutugon sa ni isang liham na aking isinulat. Siya ba ay abala?, hindi ba niya natatanggap ang mga liham o ayaw niya talaga itong tugunan? Ako ba ay nagkulang sa pagmamahal sa kaniya? Hindi niya na ba ako mahal? Nagsawa na ba siya? Bakit? Ano ang nangyari sa sumpaan namin ni Vicente? Tuluyan niya na ba akong kinalimutan?
May iba na ba siyang mahal? Ngayong araw, Ika-Sampu ng Agosto ang araw na aking pinakasusumpa. Ang araw ng kamatayan ng aking Kapatid, ng aking Ina, ang araw kung kailan ko nakilala si Vicente, at ang aking kaarawan ay ang araw na aking pinakasusumpa. Ngayon na din ang araw ng aking kamatayan. Paalam.
Nawa ay patawarin ako ng Diyos sa aking gagawin. Patawad, ako ay napapagod na. Patawad, paalam.Lubos na nagmamahal,
CatalinaAyon yung pinaka last page ng diary. May mga Love letter din na naka-ipit sa diary. So since 1887 pa ang diary na eto at si Catalina Ang may ari. Maraming pages Ang libro at Hindi na ako mag tangka pa na buklatin ang ibang Pages dahil nakakaramdam ako ng something na creepy.
BINABASA MO ANG
Ang Diary Ni Lola
Historische RomaneAlone Series #1 Status: On-Going Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa taong minamahal mo? Kaya mo bang ialay ang buhay mo dito o mas pipiliin mo na mag alay ng buhay ng iba para sa pag iibigan ninyo? Sa dinami-dami ng kuwentong pag-ibig s...