Kabanata 2: 1887

25 18 3
                                    

"POR DIOS POR SANTO!, ano ang nangyari kay Catalina? Saan ninyo siya natagpuan at ano ang ginagawa niya dito? Hindi ba't naroon siya sa San Miguel? Anong delubyo at nakarating siya dito nang mag-isa?!" Tanong ng matandang babae sa binata.

"Nay naman! Paano mo naman nakilala ang binibining iyan? At nakita ko lang 'ho siya sa dagat kaninang madaling araw! Palutang-lutang po siya at nang mahawakan ko siya, may pulso pa po siya kaya nalaman ko na buhay pa ang binibining iyan!" Pagalit na tonong sagot ng binata sa kaniyang ina.

"Siya ang novia ng Kapitan Vicente dito sa Pilipinas at anak din siya ni Don Juan Felipe!" Sagot ng matandang babae sa kaniyang anak.

"Nay, ano ang gagawin natin sa kaniya? Maaaring tanggalan ako ni Kapitan Vicente ng ranggo kapag nalaman niya na nasa puder natin ang kaniyang novia. Ayoko na mangyari iyon dahil kaka-angat ko pa lang ng ranggo at iyon lang ang tanging bubuhay sa atin, 'nay" paliwanag ng binata.

"Hindi naman maaari na iwan na lang natin siya dito nang basta-basta. Baka mapunta pa siya sa maling kamay at gamitin pa siya laban sa Kapitan at Gobernador." Wika ng matandang babae.

Yeshua's POV

Oh my gosh, why am i alive? And it's so baho here! Oh my- this is palengke. What am i doing here? I should be in hospital or in heaven. The one who's naka pulot on me on the water is so put— so cheap! That person should bring me in the hospital or in some place na expensive.

Hayyy, where is my family— my lola ba? And who the hell is baka kita sa akin and bring me here? And why are they wearing dress— they are so overdressed! Ang hot hot here sa Philippines tas yung mga boys 10th to the power over coated. And the other girls are looking at me while laughing, shet! Kung hindi lang sana ako ganito ka dirty edi sana isa-isa ko nang sinampal ang face nila na punong-puno ng foundation. I need to go home na din, sa Manila. I have game tomorrow, i should be practicing Chess today, my kalabans rating is 2300 and my Chess rating is 3200 higher than him but still, he might talo me so i should be practicing tomorrow. Sana pala i didn't jump na lang or i jump pag tapos na ang laban ko bukas.

I will just ask the peoples here kung saan ang way papunta sa Manila. "Hey girl, can i ask kung saan ang way to Manila? I really need to go home na kasi because i have very urgent problem" i said kay girly.

She didn't answer my question and left me. "Senyorita Catalina, nasaan na ba kayo? Kanina pa kami pinapagalitan ni Don Juan Felipe dahil kagabi pa namin kayo hindi mahanap!" Rinig kong sigaw ng babae na tumatakbo and noong nagka eye contact kami, she lapit sa akin and said "Diyos ko po! Ano ba ang nangyari sa inyo Senyorita? Kagabi pa kami alalang-alala sa inyo! Akala namin ay tuluyan mo na kaming iiwan! Salamat sa Diyos dahil buhay ka pa rin Senyorita, tara na sa inyong Hacienda upang makapag ayos na ikaw" wika ni girly.

Wow? How could she do that? Straight tagalog? No way.

She lead the walk papuntang i don't know. No! She might kidnap me! I ran away her and she followed me. "Shit! Please, i don't have money, i promise bring me back sa aking house and i will give you all my money, my house, my phone. I will give you everything just bring me back in Manila, i have chess game tomorrow please! I promise to give you everything you want but you will give me the 5% of everything i will give you!" I shouted while running

"Senyorita, hindi ko po maintindihan ang iyong sinasabi! Pakiusap po sumama na po kayo sa akin dahil kung hindi po kita nai-uwi sa inyong bahay ngayon, mawawalan po ako ng trabaho at marami pa ang maaaring mangyaring masama sa akin kapag hindi pa po kita nai-uwi ngayon!" Sigaw niya while running and following me

Ang Diary Ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon