Isang bahay sa madilim na gabi kung saan ang buwan ay halos kasing liwanag na ng araw.
Ang madilim na lugar na pinagtataguan ng isang paslit.
Tumutulo ang mga luha pero pilit na pinipigilan ang hikbi na mang-gagaling sa kanyang labi upang hindi sya marinig ng taong nasa labas lang ng pinagtataguan nya ngayon.
Pinipigilan ang paghinga dahil sa iniisip na baka marinig ng taong nasa labas ang paghinga nya at makita sya.
Pinapakinggan ang bawat hakbang na naririnig nya mula sa labas.
Nilapit nya ang mukha sa butas ng cabinet upang tingnan kung anjan pa ba sa loob ng kwarto yung taong yun.
Ngunit hindi pa nya tuluyang nalalapit ang mukha nya ng biglang sumilip sa butas yung taong nasa labas.
Kusa syang napaupo dahil sa panghihina ng tuhod at dahil doon ay hindi sya nakita ng taong nasa labas.
Nanginginig ang kanyang kamay nang hinawakan nya ang kanyang bibig upang pigilan ang nagbabadyang paghagulgol.
Pinakinggan nya ang bawat yapak na naririnig nya mula sa labas ng cabinet.
Sa tantya nya palabas ng kwarto yung lalaki....kasalukuyan na pababa ng hagdan at ngayon ay wala na syang marinig na ingay sa labas kaya sumilip muna sya para kumpirmahin iyon.
Madilim ang kwarto at tanging liwanag lang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa kwartong napaka dilim ngayon.
Tumingin sya sa pinto nakasara iyon ngunit hindi naka lock. Hinawakan nya ang pinto ng kabinet at dahang dahang binuksan.
Nakahinga sya ng maluwag ng walang nangyaring masama ng buksan nya iyon.
Isang hakbang ang ginawa nya para silipin ang buong kwarto kung wala na bang tao.
Ngunit sa paghakbang nya ay sya rin pag baba ng isang bangkay sa mismong harapan nya, nakasabit ito sa kisame at pabaligtad na nakalambitin, tumutulo ang dugo nito mula sa kanyang tagiliran, leeg at noo papunta sa semento.
Sa ika-lawang pagkakataon napaupo sya sa cabinet pero sa pagkakataong to ay hindi na nya magalaw ang kahit na anong parte ng katawan nya.
Dahil sa sobrang takot napatulala nalang sya sa bangkay na nasa harapan nya ngayon habang nanginginig ang kamay at tuhod.
Ngunit pinigilan nya ang takot, luhang nagbabadya at panginginig, tumayo sya at huminga ng malalim. Nilakasan nya ang loob at sinubukang tumayo at humakbang.
Ngunit kasabay ng paghakbang nya ay ang pagtulo rin ng mga luha nya.
Pero tinuloy nya parin ang paghakbang, tuluyan na syang nakalabas sa cabinet at nalampasan ang bangkay na dahan dahang umiikot mula sa pagkakalambitin nito.
Nilibot nya ang tingin sa loob ng kwarto may mga gamit na sira at pati ang wallpaper ng dingding ay sirasira na pati ang bumbilya ay basag na. Natigil ang paglilibot ng tingin nya sa kwarto ng may marinig sya.
Narinig nyang may yabag ng paa paakyat, nagpanic agad sya at lumingon sa paligid kung saan pwede syang mag tago.
Hindi sya pwedeng magtago sa cabinet dahil siguradong malalaman na ng taong yun kung nasan sya nagtatago.
Papalapit nang papalapit ang yabag na papunta sa kwarto kung nasaan sya, kaya mas lalo syang nag panic at kinabahan.
"F-fuck it where the hell im going to go now, god damn it" pabulong nyang sabi dahil sa frustration.
Tumingin sya sa kaliwa nya kung saan nanggagaling ang liwanag ng buwan....at the window
Tama sa bintana may terrace doon kaya safe kung doon sya dadaan. Agad agad na tumakbo ang batang babae sa bintana at dumaan papunta doon sa terrace sinarado nya agad yung bintana para hindi maghinala yung taong yun sa pagtakas nya.
BINABASA MO ANG
The Union
RandomThe unexpected things that happened to my life. we all have things that happen in our lives that we don't expected. There are changes that we do not expect that sometimes it is in our favor or not. Everyone is afraid of change because they don't kno...