Chapter 7

1 0 0
                                    

Ren pov:

Naglalakad na yung barumbadong lalaki papunta sakin pero hindi ako gumalaw, titignan ko kung anong gagawin ni kuya akhi sa mga oras nato.

Hinawakan ako sa braso nung lalaki nang akmang lalapit nako kay kuya akhi, nakangisi sya sakin na parang nagtagumpay.

Tinignan ko si kuya akhi papalapit na sana sya sakin nang biglang may tatlong lalaki ang pumigil sa kanya papunta sakin, hinawakan nila si kuya sa magkabilang braso at sa leeg.

Tumawa yung lalaking may hawak sakin na parang may laban syang naipanalo at mas hinigpitan pa yung pagkakahawak sa braso ko.

Pero kahit gano pa kahigpit yun ay wala akong maramdaman na kahit na ano, maraming... tao ang nagsasabi... na sobrang manhid ko daw. Kahit yung mga malalapit kong kaibigan lagi nilang sinasabi sakin yun sa tuwing may mga ganitong bagay na nangyayari.

Para sakin normal lang yun dahil iniisip kong mahina lang talaga sila pero...habang tumatagal mas lalong naiintindihan ko ang bagay bagay.

"Ayyhh, ano ba yan akhiro ikaw ba talaga yan? Nagpunta ka rito ng ikaw lang at may dinala ka pang pabigat tapos nagpahuli ka ng ganyan kadali lang, ganyan ba kahina ang mga nasa mataas na pwesto ngayon?" Pagiisa isa nya sa mga maling nagawa ngayong araw ni kuya akhi kuno.


"Kaya ba nyo kami pinipilit na sumali sa mission nyo dahil ang totoo mahihina naman talaga kayo" dugtong nanaman nung basagbulero na nakahawak sa braso ko.

Hindi ko na nagugustuhan ang mga nangyayari, pag ito hindi ako binitawan sa loob ng limang minuto... I swear papatayin ko to.

"Hoy buwesit kang gago ka bitawan mo sya!!"

Sigaw na utos ni kuya akhi dito sa basagbulero habang pumapalag sa mga may hawak sa kanya.

"Pano kung sabihin kong ayoko nga"

Ngising sambit naman netong animal. Buwesit ang sarap sapakin ng muka nya para mawala yung ngisi nya.

"DAMIEN ALCANTARA!!!" sigaw ni kuya ng napaka lakas, habang galit na galit na nakatingin sa damien kuno yung pangalan.

"AKHIRO ENDŌ!!!" pantay sa lakas ng boses ni kuya akhi kanina yung pagka sigaw nya ng pangalan ni kuya akhi.

Mukhang wala ni isa sa kanila ang balak na magpatalo. Patuloy lang sa pagpalag si kuya habang nakatingin pa rin ng masama sa taong may hawak ng braso ko.

Pinakiramdaman ko ang mga tao sa paligid ko ramdam ko yung tingin nilang lahat samin, pero wala silang ginagawa.

Ang bagay lang na hindi ko tanggap dito ay yung andami dami nila pero magisa lang si kuya akhi na kalaban nila.

Kaya hindi ko to masasabing magandang laban, dapat pala hindi ko inalis yung tingin kay kuya akhi kanina.

"Dapat mo nang bitawan sya!" Halos pabulong pero may diing sabi ni kuya akhi dito sa taong to.

"Hindi mo alam kung anong ginagawa mo" dagdag ni kuya akhi at sinubukan makawala sa pagkakahawak nung mga yun sa braso nya, pero hindi sya nag tagumpay.

Hindi nakinig yung taong may hawak sakin at tumawa lang ng malakas na kala mo ay may nakakatawa sa sinabi ni kuya akhi.

Pero maya maya lang ay may narinig akong mga yapak ng tao...

Sinubukan kong tinggnan kung nasaan iyon nang gagaling. At dahil sa paghahanap, napatingin ako sa bandang kanan.


Meron dong daanan na kasya ang 5 hanggang 6 na tao, alam kong narinig din iyon nung mga taong naririto kaya napaharap din sila doon sa tinitingnan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The UnionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon