Chapter 2

2 0 0
                                    

Chapter 2:

Kung dati, Hindi nila ako sinasaktan pag binubully nila ako pero ngayon iba na.

Sinasaktan na nila ako not only emotionally but also physically.

Andito ako sa cr ngayon dahil nagpapalit ako ng damit. Alam nyo kung ano nangyari?

Binuhusan lang naman ako ng pintura nung mga nambubully sa akin.

Sumusobra na sila pero wala akong magawa.

Pagkalabas ko ng cr, nadatnan ko si Ivory na nakangiti, evil smile.

"Oooh! Kawawa ka naman Zacha, binuhusan ka ng pintura. Haha" Yumuko na lang ako.

If I know, siya ang nag utos nun.

"Pero may isang paraan para matigil na ang pambubully sayo." agad Naman akong napatingin sa kanya.

Anong paraan?

"Leave this university. Leave St.Acapell alone. After that, you'll free from us."

Umlis dito sa university? No. Ayoko! Dito ako gustong pag aralin Ni papa dati pa lang dahil madami daw siyang alaala dito. Kahit yun lang sana matupad ko.

"Ayoko. Hindi pwede Ivory"

Hinawakan naman niya ako ng mahigpit sa braso.

Ang sakit ng pagkakahawak niya. Ouch!

"Anong Hindi pwede. Tsk! Gagawin mo ba ang inuutos ko o you want to have a miserable life?!"

"Hindi siya aalis dito sa school na to kaya Bitiwan mo siya."

*dubdubdub*

Napatingin kaming dalwa ng biglang dumating si Arris not wearing his usual look, instead, his wearing his angry look.

Ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Nakakatakot ang tingin niya.

"Tsk. Bat lagi mo ba siyang pinagtatanggol hah Arris?!"

Tumingin naman ako kay Arris nun. Gusto kong malaman ang isasagot niya.

But instead of answering Ivory's question, hinila niya ako papuntang playground malapit sa university.

Pagdating namin, walang tao. Kami lang.

"HINDI MO BA TLGANG KAYANG LUMABAN HAH ZACHA?!" nagulat ako ng sigawan ako Ni Arris.

Hindi ko akalain na sisigawan Niya ako ng ganun kaya napaiyak na lang ako.

"Ano? Iiyak ka na lang lagi hah? Hindi mo ipagtatanggol ang sarili mo? Pano na lang pag wala ako?! Sino na lang magtatanggol sayo hah? Napaka weak mo Zacha"

Humagulgol na ako. Ang sasakit ng mga salitang binitawan niya.

"Oo. Aaminin ko weak ako, na mahina ako, na Hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko. Pero kasi Hindi mo naiintindhan ang nararamdaman ko. Hirap na hirap na ako Arris. Feeling ko wala na akong kakampi. Si papa wala na, si mama naman asa London, ni Hindi nya nga ata alam na may anak pa siya dito eh. Tapos sa school, lagi akong binubully. Arris Hindi ko na alam gagawin ko. Ayoko na! Hirap nako. Hindi mo alam nararamdaman ko. Wala kang alam kaya wag moko pagsasbhan ng ganyan" patuloy lang ako sa pag iyak ng bigla niya akong niyakap.

*dubdubdub*

May iba akong naramdaman nung niyakap niya ako. Kakaibang feeling.

"S-sorry Zacha! Hindi ko sinasadya. Uminit lang kasi ang ulo ko sa nakita ko. Ayokong ginaganun ka nila."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Hah?"

Kumalas sya sa yakap at humarap sa akin.

"Zacha, can we be friends?"

Napangiti naman ako.

"Hindi ko akalain na ang isang lalaking ubod ng sungit na kagaya mo ay Makikipagkaibgan sa akin. Pero yes, pumapayag akong maging kaibgan ka"

****

Mahigit isang buwan na Simula ng mag usap kami ni Arris at mahigit isang buwan na rin Simula ng Hindi kami nag uusap. Sabi niya magkaibgan na daw kami pero bakit parang Hindi naman.

Kada lalapitan ko kasi sya, iiwas sya or susungitan nya ako.

"hoy Zacha, sigurado ka bang friends na kayo ni Mr.Peevish?"  tanung Ni Xophie. Naikwento ko na kasi sa kanya yung nangyari.

"Hindi ko nga din alam eh. Xo, ibgay mo nga to sa kanya." sabay abot ko sa knya nung box ng cupcakes na ako mismo nagbake.

"Eh bat ako?Kaw na."

"Ikaw na lang pls. I'll treat you lunch." sabay puppy eyes. Gumana ka pls.

"Sbi mo yan ah. Sige na nga" Yes! ^_^

Lumapit na siya kay Arris at binigay yung cupcakes. Narinig ko pa nga yung usapan nila eh.

"Psst. Mr.Peevish, oh pinapabgay ni Zacha." sabay abot nung cupcakes

Tumingin naman si Arris sa akin wearing his poker face pero umiwas din agad sya ng tingin.

*dubdubdub* naaabnormal na naman tong puso ko.

"Salamat paki sbi -_-"

"Okkyy"

Hindi ko maintindhan kung bakit siya ganun pero masya ako na tinanggap niya yung gawa ko.

Yes! He's Peevish. But He's an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon