"𝙐𝙣𝙙𝙚𝙧 𝙩𝙝𝙚 𝙈𝙤𝙤𝙣 𝙄𝙄𝙄"

0 0 0
                                    

11|13|20

ᶠᵉᵃᵗᵘʳⁱⁿᵍ ᵒⁿᵉ ᵒᶠ ᵗʰᵉ ᵐᵉᵐᵇᵉʳ ⁱⁿ ᵇᵗˢ

ᵏⁱⁿᵈˡʸ ʳᵉᵃᵈ ᵗʰᵉ ᶠⁱʳˢᵗ ˢᶜᵉⁿᵃʳⁱᵒ ᵇᵉᶠᵒʳᵉ ᵗʰⁱˢ ˡᵃᵇʸᵘ
ˡⁱⁿᵏ ⁱˢ ⁱⁿ ᵗʰᵉ ᶜᵒᵐᵐᵉⁿᵗ

ᵃ ᶠᵃⁿᶠⁱᶜ ˢʰᵒʳᵗ ˢᶜᵉⁿᵃʳⁱᵒ

...

Sabado ng hapon, papunta ako ngayon sa hospital kung saan nandoon pa rin si Jungkook na palala na nang palala parin ang lagay. Ilang linggo na din ang lumilipas at dapat nung last month ko na sya makakasamang maglakad ngayon, magkuwentuhan at magtawanan pero hindi pa rin sya bumabalik sa normal.

Ilang araw na akong nagtitiis na bisitahin sya dito, kahit na alam kong masasaktan lang ako tuwing makikita ko sya at makikita nya ako. Ilang lakad nalang ay makakapasok na ako sa building ng hospital, gumamit pa ako ng elevator kase nasa 4th floor pa ang private room nya.

Minuto lang ang lumipas at nasa harapan na nga ako ng pinto ng kwarto nya, wala akong lakas ng loob na buksan ito... Hinang hina ang katawan ko sa tuwing bubuksan ko na itong pinto... Pati.. P-pati rin itong puso ko.. Mahina na, tsaka baka..

..Sana maalala nya na ako.

Hindi ko pa napipihit ang doornub ay may bumukas na nito mula sa loob, iniluwal nito si Doc. Hendrix na nakangiti pa akong tinignan, chineck nya ata si Jung-

May tao?...babae?

Laking pagtataka ko nang mapansin ang babeng nasa tabi ngayon ni Jungkook. Sino sya? Pagkaalis na pagkaalis ng doktor ay agad akong pumasok na may pagtatakang pinapakita sa aking mukha.

Agad nila akong napansin at pinagtinginan lalo na ang lalaki ngayong nakaupo sa higaan nya. Nagiba na ang tingin nya sa akin, hindi na katulad ng dati.. Yung puso ko.. Y-yung puso ko.. Ang sakit nanaman.

"𝙊𝙝 𝙝𝙞 𝙩𝙝𝙚𝙧𝙚! 𝙄𝙠𝙖𝙬 𝙥𝙖𝙡𝙖 𝙞𝙩𝙤𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙞𝙗𝙞𝙜𝙖𝙣 𝙣𝙖 𝙨𝙞𝙣𝙖𝙨𝙖𝙗𝙞 𝙨𝙖 𝙖𝙠𝙞𝙣 𝙣𝙞 𝘿𝙤𝙘. 𝙣𝙖 𝙠𝙖𝙞𝙗𝙞𝙜𝙖𝙣 𝙣𝙮𝙖." nakangiti nyang turan sa akin, oo kaibigan.. Ngayon ko lamang sya nakita at kaano ano sya ng lalaking nandito?

Mahaba ang buhok ng babaeng nasa harapan ko ngayon, maputi at may hubog ang katawan, kita ito dahil sa fitted na bistidang kulay peach na suot nyang lalong nagpapatingkad ng kulay nya.

Kung titignan ay kaedaran nya lang si Jungkook, mas bata kasi ako ng kaunti sa kanya, pero halatang mas maganda sya kumpara sa akin.

"𝙊𝙬- 𝙨𝙤𝙧𝙧𝙮, 𝙗𝙮 𝙩𝙝𝙚 𝙬𝙖𝙮 𝙢𝙮 𝙣𝙖𝙢𝙚 𝙞𝙨 𝙕𝙖𝙗𝙧𝙞𝙣𝙖 𝙃𝙚𝙣𝙙𝙧𝙞𝙭." pagpapakilala nya habang nananatili pa ding nakangiti at ako naman ay nakatayo pa din at hindi umiimik. Zabrina Hendrix?... Hendrix? Kaapelido nya si Doc?

"𝙏𝙝𝙖𝙣𝙠 𝙮𝙤𝙪 𝙛𝙤𝙧 𝙨𝙖𝙫𝙞𝙣𝙜 𝙢𝙮 𝙗𝙤𝙮𝙛𝙧𝙞𝙚𝙣𝙙'𝙨 𝙡𝙞𝙛𝙚."

Sunod nyang sabi ulit, nang marinig ang salitang iyon ay parang gumuho bigla ang mundo ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong maging reaksyon sa mga oras na ito.

B-boyfriend?..

G-girlfriend sya ni Jungkook?..

Pero paano? Eh ngayon ko lamang sya nakita at wala naman syang nasasabi sa akin-

...Baka iyon ang g-gusto nyang sabihin bago sya nahimatay nung gabing iyon. H-hindi..

"𝙈𝙞𝙨𝙨?...𝙈𝙞𝙨𝙨?" hindi ko namalayang natulala na ako dahil sa sinabi nya. Hindi ko pinakita sa kanya na nasasaktan ako at bagkus ay nginitian ko lamang sya ng mapait.

Lennox's BTS ffs collectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon