"𝙄𝙣 𝙢𝙮 𝘼𝙥𝙥𝙖𝙧𝙩𝙢𝙚𝙣𝙩 𝙬𝙞𝙩𝙝 𝙎𝙩𝙧𝙖𝙣𝙜𝙚𝙧"

0 0 0
                                    

08|26|20

 ᶠᵉᵃᵗᵘʳⁱⁿᵍ ᵒⁿᵉ ᵒᶠ ᵗʰᵉ ᵐᵉᵐᵇᵉʳ ⁱⁿ ᵇᵗˢ

 7:50pm na nang tignan ko yung wristwatch ko at hanggang ngayon nasa harapan pa din ako ng counter."𝘼𝙣𝙤 𝙗𝙖 𝙮𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙜𝙖𝙡" halos kanina ko pa naririnig sa mga nakapila sa likod ko yung iba nga naiinis na, hindi ko naman sila masisi pano kaya tong babaitang nasa harapan ko kada kuha ng presyo ng binili ko ay nakikipagtsimisan pa sa katabi nyang tagalagay ng pinamili sa plastic. 

"𝙋𝙬𝙚𝙙𝙚 𝙥𝙤 𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙠𝙞𝙗𝙞𝙡𝙞𝙨? 𝙈𝙖𝙙𝙖𝙢𝙞 𝙥𝙖 𝙥𝙤𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙨𝙖 𝙡𝙞𝙠𝙤𝙙 𝙠𝙤" mahinahon ko naman sabi sa kanila, saglit naman silang sabay na napatigil at halos lumabas na yung mga mata nila sa lisik ng pagkakatingin sa akin.Pagkabayad ko ay agad na akong lumabas habang hawak hawak ang mga supot sa dalawang kamay ko."𝙎𝙖𝙠𝙞𝙩 𝙣𝙖 𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙖 𝙠𝙤" pabulong ko, ang layo pa ng appartment ko dito, sabi na dapat dinala ko yung bike ko ayst.

Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad sa tabi ng kalsada, pumasok ako sa isang makitid na kanto may shortcut kase don kaso nga lang walang masyadong ilaw dito, pero kaya lang papalapit na din ako.Habang tahimik akong naglalakad ay may yapak ng paa akong naririnig sa likod ko pero binalewala ko nalang yon baka dito din sya daan pero habang papatagal ay hindi ko maiwasang hindi magisip ng masama kaya sinubukan ko nang tignan ito.

Dahan dahan kong pinihit ang ulo ko para makita kung sino ang nasa likod ko pagkatingin ko ay bumilis ang kaba sa dibdib ko, may lalaki kase sa likod ko mga limang metro lang ang layo nya, kita kong nakablack rip jeans sya kahit madilim, nakablack hoody din na natatakpan ng muka nya kaya hindi ko kita. Mas kinabahan pa ako nang huminto sya nang makita nya akong tumingin.Umiwas na ako ng tingin at finocus ko nalang ang paglalakad ko pero yung yapak nung lalaki parang papabilis na kaya binilisan ko din ang paglalakad ko na mabilis ding napalitan ng takbo, nakakakaba grabe madami pa akong pangarap sa buhay.

"𝙇𝙤𝙧𝙙 𝙩𝙪𝙡𝙪𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙣𝙮𝙤𝙠𝙤 𝙥𝙡𝙚𝙖𝙨𝙚 𝙢𝙖𝙮 𝙢𝙖𝙨𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙤 𝙖𝙩𝙖𝙣𝙜 𝙝𝙪𝙢𝙖𝙝𝙖𝙗𝙤𝙡 𝙨𝙖𝙠𝙞𝙣" wala ako sa sariling mangiyak ngiyak na agad napadasal habang tumatakbo, mamaya maya lang ay sa awa ng diyos nawala na din ang yapak na naririnig ko pagtingin ko sa likod ko ay ganon na lang ang gaan ng loob ko nang mawala na yung lakaki.

"𝙃𝙖𝙮𝙨 𝙨𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙩" Napafacepalm nalang ako nang marealize ko yung ginawa ko. Nakakahiya! Muka pa naman akong tangang tumatakbo napaghinalaan ko pa naman syang masamang loob nako itigil ko muna kaya kakakape ko baka mabaliw ako neto.Ilang hakbang lang sa hagdan ay sa wakas nakapasok na ako sa condo type kong appartment at ipinihit yung doornub.

"𝘼𝙃𝙃𝙃𝙃𝙈𝙋𝙥𝙥𝙥!" may taong humila sa akin papasok ng appartment ko habang takiptakip ang bibig ko kaya hindi ako makasigaw o makapiglas man lang, pagpasok namin ay nilock nya ang pinto at inalis nya na din ang pagkakahawak nya sa akin. Sya yung kaninang sumusunod sa akin magkamuka kase sila ng suot.

Nakatayo ako sa harap nya hindi ko alam ang gagawin ko ngatog ngatog ang mga tuhod ko habang nakatingin sa kanya, sya naman ay nakatalikod pa din sa akin at nakaharap sa pinto, tila hinang hina syang napaupo sa sofa ko at inihulog ang katawan na para bang pagod na pagod.

𝘈𝘯𝘰 𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘨𝘢𝘸𝘪𝘯 𝘬𝘰? 𝘚𝘪𝘯𝘰 𝘣𝘢 𝘵𝘰?Hindi sya gumalaw ng ilang minuto kaya naisipan kong lapitan sya kahit hindi ko naman talaga alam kung lalapitan ko ba talaga sya. Eto na papalapit na ako isa, dalawa, tatlo!Kaso hindi ko pa naihahakbang ang paa ko nang magsalita sya "𝙈𝙖𝙮 𝙥𝙖𝙜𝙠𝙖𝙞𝙣 𝙠𝙖 𝙗𝙖?" kaagad naman akong natarantang sumagot.

"𝙊-𝙊𝙤". Gutom ba sya? Sa porma nyang yan parang meron naman syang pera. Tumayo sya at inalis ang hoodie na nasa ulo at doon ko tuluyang nakita ang itsura nya, pungay at singkit ang mga mata nya, maputi sya at mapula ang labi nya. Pero hindi ko parin nagawang kumilos man lang at paalisin sya.

"𝙎-𝙨𝙞𝙣𝙤 𝙠𝙖?...𝘽-𝙗𝙖𝙠𝙞𝙩 𝙢𝙤𝙠𝙤 𝙨𝙞𝙣𝙪𝙨𝙪𝙣𝙙𝙖𝙣 𝙖𝙩 𝙗-𝙗𝙖𝙠𝙞𝙩 𝙠𝙖 𝙣𝙖𝙨𝙖 𝙡𝙤𝙤𝙗?" tinapangan ko nalang ang sarili ko kahit na alam kong pede nya akong gawan ng masama sa isang maling galaw ko lang.

Lumapit sya sa akin pero hindi ko nagawang umatras parang may yelo yung paa ko. Malapit na sya sa akin as in harap harapan sa muka ko, wag mokong sasaktan pls! Ganon na lamang ang pagbilis ng tibok ng dibdib ko sa ginawa nyang pagtingin ng diretso sa mga mata ko, saglit nya akong tinitigan at inilapat ang daliri nya sa labi ko.

"𝙎𝙝𝙝𝙝𝙝𝙝𝙝𝙝𝙝𝙝..." nagsmirk sya. Natulala lang ako sa ginawa nya tsaka nya ako nilagpasan papunta sa kusina. Ano bang ginagawa ko? Bakit hindi ko sya pinigilan?!

ᵖᵃʳᵗ ² ?

ⁱᵗ ⁱˢ ᵐʸ ᵒʷⁿ ʷᵒʳᵏ ᵒᶠ ᶠⁱᶜᵗⁱᵒⁿ ᵖˡˢ ⁿᵒ ᵗᵒ ᶜᵒᵖʸʳⁱᵍʰᵗ ˡᵃᵇʸᵘ

𝙏𝙝𝙖𝙣𝙠 𝙮𝙤𝙪 𝙛𝙤𝙧 𝙧𝙚𝙖𝙙𝙞𝙣𝙜..

 ˣˢˡᵉᵉᵖʸˣᵈᵉᵐᵒⁿˣ

Lennox's BTS ffs collectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon