"𝙄𝙣 𝙢𝙮 𝘼𝙥𝙥𝙖𝙧𝙩𝙢𝙚𝙣𝙩 𝙬𝙞𝙩𝙝 𝙎𝙩𝙧𝙖𝙣𝙜𝙚𝙧 𝙡𝙡"

0 0 0
                                    

09|07|20

ᶠᵉᵃᵗᵘʳⁱⁿᵍ ᵒⁿᵉ ᵒᶠ ᵗʰᵉ ᵐᵉᵐᵇᵉʳ ⁱⁿ ᵇᵗˢ ᵏⁱⁿᵈˡʸ ʳᵉᵃᵈ ᵗʰᵉ ᶠⁱʳˢᵗ ˢᶜᵉⁿᵃʳⁱᵒ ᵇᵉᶠᵒʳᵉ ᵗʰⁱˢ ˡᵃᵇʸᵘ ᵃ ᶠᵃⁿᶠⁱᶜ ᵃᶜᵗⁱᵒⁿ ˢʰᵒʳᵗ ˢᶜᵉⁿᵃʳⁱᵒ


 Tumagal sya ng mga ilang linggo sa appartment ko na kaming dalawa lang at ilang araw na din akong hindi makatulog kakisip sa kanya baka kase may binabalak syang gawin sa akin na masama. Tinatakot nya din ako na wag na wag ko daw sabihin na may ibang tao sa appartment ko na di ko naman masabi kahit kanino kase wala naman akong kakilala o malapit na kamaganak dito.

Kaylan ko lang din nalaman na Yoongi ang pangalan nya. Ilang araw na din akong pabalik balik sa grocery pano kaseng halos ubusin na nya ang mga nakatabi kong stock foods, animo'y parang gutom na gutom na ewan eh mukha naman syang anak mayaman.

Gabi nang inaya ko syang kumain na hindi ko na ipinagtaka kung bakit mas nauna pa sya sa akin sa lamesa. Nagsandok sya ng pagkain nya at ako din syempre. Tinignan ko sya na tahimik na nilalantakan ang pagkain nya.

"𝘽-𝙗𝙖𝙩 𝙠𝙖 𝙗𝙖 𝙣𝙖𝙜𝙩𝙖𝙩𝙖𝙜𝙤? 𝘼-𝙖𝙩 𝙨𝙖 𝙖𝙥𝙥𝙖𝙧𝙩𝙢𝙚𝙣𝙩 𝙠𝙤 𝙥𝙖 𝙝𝙖𝙝?" buti naman nasabi ko na sa kanya ang matagal ko nang gustong tanungin. Huminto sya sa pagnguya at tinignan nya ako na para bang '𝘸𝘢𝘨 𝘬𝘢 𝘯𝘢 𝘯𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘵𝘢𝘯𝘰𝘯𝘨' napagtanto ko naman yon kaya umiwas nalang ako ng tingin, grabe yung tingin nya na𝙏𝙊𝙆𝙆 𝙏𝙊𝙆𝙆 𝙏𝙊𝙆𝙆! tatlong malalakas na katok ang ikinabulabog ng katahimikan namin, mabilis syang tumayo at pinagmasdan ang pintuan.

Bago sya lumapit sa pintuan ay tinignan muna nya ako at sinenyasan na wag maingay na agad kong sinangayunan. Tumungo sya ng dahan dahan sa pintuan at sumilip sa butas ng pinto para kumpirmahin kung sino ang nasa labas. Nanlaki ang mga mata nyang tinignan ako at ako naman itong kinakabahan sa kilos nya, lumakad sya ng dahan dahan sa akin na hindi gumagawa ng kahit anong ingay, pinatay nya ang lahat ng ilaw pero ang kusina lang ang iniwan nyang 𝙏𝙊𝙆𝙆 𝙏𝙊𝙆𝙆 𝙏𝙊𝙆𝙆! katok ulit ng nasa labas. 

Hinawakan nya ang isa kong kamay at tumungo kame sa loob ng kwarto ko, hindi ko maintindihan ang ginagawa nya, hindi din ako makapagtanong dahil sabi nya wag akong maingay. Pinapasok nya ako ng marahan sa ilalim ng kama ko, mula sa baba ay kita kong kumuha sya ng kahoy na baseball bat na nakita nya sa kwarto ko at doon nagtago sa gilid ng pintuan ng kwarto.

Nakatayo sya habang hawak hawak ang baseball bat na nakahandang ihamba sa taong magtatangkang pumasok sa kwarto. Kahit madilim ay kita ko ang mukha nya galing sa liwanag ng lampshade sa may drawer. *𝘽𝙊𝙊𝙊𝙊𝙊𝙊𝙊𝙊𝙂𝙎𝙃𝙃𝙃!" rinig ko na galing sa labas, sabay kaming nagulat sa malakas na pagbagsak na nagmumula sa labas.

Sa tingin ko ay sinira nila ang pinto ng appartment ko. May magnanakaw ata na nakapasok. "𝙎𝙝𝙝𝙝𝙝𝙝𝙝𝙝" mahina nyang sabi habang nakatingin sya sa gawi ko, tinakpan ko naman ng dalawang kamay ang bibig ko para hindi ako makagawa ng kung anong ingay. "𝙒𝙖𝙡𝙖 𝙖𝙩𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙤 𝙙𝙞𝙩𝙤 𝙥𝙧𝙚" rinig kong sabi ng nasa labas, boses lalaki iyon na medyo matinis ang tono at parang may kausap sya, oo marami silang nasa labas!

"𝙎𝙝𝙝𝙝𝙝 𝙬𝙖𝙜 𝙠𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙞𝙣𝙜𝙖𝙮, 𝙢𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙜𝙩𝙖𝙩𝙖𝙜𝙤 𝙣𝙖 𝙮𝙪𝙣 𝙙𝙞𝙩𝙤." sagot ng isang medyo malalim ang boses. "𝙋𝙖𝙖𝙣𝙤 𝙗𝙖 𝙠𝙖𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙠𝙖𝙠𝙖𝙨𝙞𝙜𝙪𝙧𝙤 𝙣𝙖 𝙙𝙞𝙩𝙤 𝙨𝙮𝙖 𝙣𝙖𝙜𝙥𝙪𝙣𝙩𝙖 𝙖𝙩 𝙠𝙪𝙣𝙜 𝙨𝙮𝙖 𝙣𝙜𝙖 𝙮𝙪𝙣?" tanong ulit nung matinis na boses. "𝙎𝙮𝙖 𝙮𝙪𝙣 𝙖𝙩 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙖𝙠𝙤 𝙢𝙖𝙜𝙠𝙖𝙠𝙖𝙢𝙖𝙡𝙞 𝙨𝙖 𝙣𝙖𝙥𝙖𝙣𝙤𝙤𝙙 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙘𝙘𝙩𝙫." Sagot ng isa pa. Pagkatapos non ay wala nang nagsalita sa kanila, ang tahimik at ang kabadong dibdib ko lang ang naririnig ko at ang mga yabag ng nasa labas.

 Maya maya pa ay may narinig na akong mabibigat na yabag na papalapit sa labas ng pintuan ng kwarto ko, "𝙋𝙨𝙩! 𝙋𝙨𝙩!" sitsit ng nasa labas, kahit mahina iyon ay narinig ko pa. Nasa labas na sila ng pintuan! Ang bilis ng kabog ng dibdib ko! Isa! May humawak ng doornub, dalawa! Pumihit na ito, tatlo! Umalingawngaw ang tunog ng pagbukas ng pintuan, dahan dahan iyon! Nakita ko ang mga paa ng lalaking nasa labas!

Kita kong natakpan si Yoongi ng pintuan ng may bumukas dito kaya hindi nila sya napansin. "𝙄𝙠𝙖𝙬 𝙙𝙮𝙖𝙣, 𝙙𝙞𝙩𝙤 𝙖𝙠𝙤 𝙖𝙩 𝙞𝙠𝙖𝙬 𝙙𝙞𝙩𝙤 𝙠𝙖." halos pabulong na sabi ng isang may malim na boses. Dahan dahang pumasok ang lalaki at nagawa pa nitong isara ang pintuan nang hindi napapansin si Yoongi. Malapit na sya sa kama ko!

Tila sisilipin nya ako mula dito! Ayan na sya! Hahawiin na nya ang nakalatag sa kama na syang nagtatakip s𝙋𝙊𝙊𝙊𝙊𝙊𝙂𝙆𝙆! Si Yoongi pinalo nya mula sa likod ang lalaki at inalalayan nyang itinumba ito sa kama para hindi makagawa ng ingay, kinuha nya ang kamay ko at pinalabas sa ilalim ng kama tsaka nya ako pinapunta sa likod nya.

Kita ko ang kaninang lalaki na kadipa na at wala nang malay na nasa kama ko ngayon. Hawak hawak pa din ni Yoongi ang baseball bat habang nasa gilid ulit ng pinto ang puwesto. "𝙍𝙤𝙞?" May bumukas na naman ng pinto! Napatakbo sya sa kama ng makita ang kasama nya. Mabilis na ibinigay sa akin ni Yoongi ang bat at agad na niyakap ang lalaki sa leeg bago pa ito magsalita, napapilipit na ang lalaki sa ginawa sa kanya ni Yoongi tila hindi na ito makahinga at ng mawalan na ng malay ay idinagaan nya din ito sa kama.

"𝙋𝙧𝙚 𝙣𝙖𝙠𝙞𝙩𝙖 𝙣𝙮𝙤 𝙣𝙖?" Rinig namin sa labas, saglit tumingin si Yoongi sa labas ng kwarto at nilinga linga ang lalaking nagsalita nang hindi nya ito mahagilap ay hinila nya ako palabas. "𝙋𝙧𝙚!" palabas na sana kame sa pinto sa labas ng appartment nang marinig namin iyon mula sa likod namin. Agad kaming nagtago sa likod ng malaking sofa na malapit sa pintuan 

"𝘼𝙃𝙃𝙃𝙃! 𝙔𝙊𝙊𝙉𝙂𝙄 𝙇𝙐𝙈𝘼𝘽𝘼𝙎 𝙆𝘼𝙉𝘼! 𝘼𝙇𝘼𝙈 𝙆𝙊𝙉𝙂 𝙉𝘼𝙉𝘿𝙔𝘼𝙉 𝙆𝘼!" sumigaw na ang lalaki, sumilip ako doon sa nagsasalita at nakita ko sya sa labas ng kwarto ko, nakita na nya siguro ang nangyari sa mga kasama nya. Agad na tinakpan ni Yoongi na katabi ko ngayon na nasisiksikan ko na ang bibig ko nang muntik na akong mapatili nang makita ko ang lalaki kaninang nakatayo na may hawak ng baril! 

 "𝙒𝙖𝙜 𝙠𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙞𝙣𝙜𝙖𝙮!" dama ko ang mainit nyang hininga sa tenga ko nang binulungan nya ako. Nakatingin kami sa isa't isa ng harap harapan. Hindi mawala sa akin ang kaba kanina pero ngayong katabi ko sya ay parang nawala ang takot ko feeling ko ang safe ko. Mabilis ang pangyayari at nakita na kami ng lalaki, mabilis na tumayo si Yoongi at nakipagagawan ng baril, wala akong magwa kundi tignan sila at mapatili baka kase may masamang mangyari kay yoongi!

Nakakatakot din ang itsura ng lalaki na animoy kaya talagang pumatay ng tao! Nanginginig kong tinignan ang bat na kanina ko pa hawak hawak, may lakas na loob ba akong ipalo ito sa lalaki? Malapit na sa akin ang likod ng lalaki na agad kong ipinalo ng buong lakas sa kanya, napaaray lang sya at sabay silang napatingin sa akin.

Yung lalaki masamang tumingin sa akin at sinipa nya ako sa tyan sabay ng pagbalibag ko sa sahig na ikina pilipit ko sa sakit habang habang himas himas ang tyan at likod ko. Saglit ko pang nakita si Yoongi na kita sa mga mata nya ang pagaalala nya sa akin habang nakikipagagawan pa din sa baril, masyadong malakas ang lalaki kaya nahirapan si Yoongi ha𝘽𝙊𝙊𝙊𝙊𝙊𝙊𝙈𝘽𝘽𝙆𝙆! Ikinagulat ko iyon sa lakas, putok ng baril! Hindi ko alam kung sino iyong natamaan pero si Yoongi gulat na hawak ang tagiliran nya! Hindi! Nabaril ba sya?!

Mabilis ko syang nilapitan kahit na iika ika ako. Tinignan ko sya at alam nya ata ang nais kong iparating pero imbis na mapait ang emosyon nya ay ngisi ang tumambad sa akin. Muli kong tinignan ang lalaking nasa likod namin, may dugo sya malapit sa dibdib sabay non ang paluhod na pabagsak nya. Nagulat ako sa nangyari akala ko sya ang nabaril!

"𝙎𝙝𝙝𝙝𝙝 𝙔/𝙉, 𝙡𝙚𝙩'𝙨 𝙜𝙚𝙩 𝙤𝙪𝙩 𝙤𝙛 𝙝𝙚𝙧𝙚! 𝙗𝙞𝙡𝙞𝙨!" binuksan nya ang pinto at walang alinlangan akong sumabay sa takbo nya habang hawak hawak nya ang kamay ko.

ᵏⁱⁿᵈˡʸ ʳᵉᵃᵈ ᵗʰᵉ ᶠⁱʳˢᵗ ˢᶜᵉⁿᵃʳⁱᵒ ᵇᵉᶠᵒʳᵉ ᵗʰⁱˢ ˡᵃᵇʸᵘ ⁱᵗ ⁱˢ ᵐʸ ᵒʷⁿ ʷᵒʳᵏ ᵒᶠ ᶠⁱᶜᵗⁱᵒⁿ ᵖˡˢ ⁿᵒ ᵗᵒ ᶜᵒᵖʸʳⁱᵍʰᵗ ˡᵃᵇʸᵘ

𝙏𝙝𝙖𝙣𝙠 𝙮𝙤𝙪 𝙛𝙤𝙧 𝙧𝙚𝙖𝙙𝙞𝙣𝙜.. 

 ˣˢˡᵉᵉᵖʸˣᵈᵉᵐᵒⁿˣ

Lennox's BTS ffs collectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon