Past 11

313 23 5
                                    

Elmo POV

Isang linggo na ang nakalipas simula ng malaman ni julie na anak ko si Jamo.

Ngayon hawak-hawak ko ang DNA result na pinagawa ko kahapon para makasigurado ako.

99.9% MATCH

Yan ang result namin kaya hindi ko alam kung paano ko hahanapin si julie dahil alam kong mas masasaktan siya ngayon.

Isang linggo na ang nakalipas pero hindi pa din namin nakikita si julie.

"Joanne nakita mo ba san pumunta si julie?" Sigaw ko

Umiling siya "nagmamadali lang siya sir. Sumakay po agad ng kotse"

Hindi na ako sumagot at agad akong sumakay sa kotse ko. Tinawagan ko agad si julie pero cannot be reach. Tinawagan ko si mother baka sakali may susunod siyang appointments baka doon siya dumiretso

"Elmo wala. Kakatawag niya lang sakin na cancel muna lahat. Pagbalik na lang daw niya gagawin ang lahat."

"Mother hindi ba sinabi kung saan pupunta?"

"Hindi elmo. Usap na lang tayo mamaya may meeting ako. Got to go"

Binaba ko agad ang tawag namin at agad tumingin sa kalsada. Kanina pa ako paikot-ikot dito nagbabakasakali pero hanggang ngayon wala pdin.

Alas singko na ng hapon pero ni text or tawag ni julie wala pa rin.

Nakatanggap na ako ng ilang tawag kay Ellie na labasan na nila.

"Hello manang. Patawag naman po si Joe pasundo po mga bata. Pagdating po nila pakainin nyo na po. Maaga nyo po silang patulugin."

"Osge hijo. Hindi ba kayo uuwi ni julie?"

"Hindi ko pa po alam manang pabantayan na lang po ng mga bata"

Binaba ko na ang tawag ko at tinext ko si ellie na si joe ang magsusundo sa kanila habang nakared ang stoplight.

"Julie nasaan ka na ba?..." Saad ko habang hindi ko na talaga siya makita.

Tinawagan ko na ang lahat ng kakilala namin pero wala din siya doon. Wala naman kila barbie un kasi nasa palawan sila ngayon.

"Daddy.. Daddy.."
Bumalik sa katotohanan ang pag-iisip ko ng kalabitin ako ni ellie

Tumingin ako dito "why?"

"Mama wants to talk to you" sambit ni ellie at umalis na sa harap ko at bumalik sa paglalaro kasama si Elise

Bumuntong hininga ako. Si mama nato.. Pagkauwi na pagkauwi ko noon ay tinawagan ko si mama agad kasi baka nagsabi sa kanya si julie kung nasaan siya pero hindi din niya alam..

Kinuha ko ang telepono at umupo sa gilid.

"Ma.." Malungkot at pagod kong saad

"Boses mo palang iho alam kong pagod kana.. Magpahinga ka muna. Sinabi sakin ni Ellie na hindi ka muna tumatanggap ng trabaho ngayon sa show mo lang sa Elseion naman lagi kang wala." Banggit nito

Bumuntong hininga ako "Ma.. Hindi ako mapalagay.. Hind-hindi ko siya makita."

"Magpahinga ka elmo. Babalik diyan si julie. Alam ko yoon."

"Pero ma.. Isang linggo na wala pa din.. Hindi ko na alam ang sasabihin ko sa mga anak ko pagkatapos nito.."

Sinabi ko sa kanila na may 1 week provincial tour ang monmy nila kaya mawawala muna dito sa bahay siya. Pero isang linggo na at hindi pa rin bumabalik si julie.. Siguradong magtatanong sila nito sakin.

The Nightmare Of The Past [ book 3 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon