Past 6

354 20 1
                                    

Julie POV

Lalo akong nainis ng malaman na si janine ang partner ng anak ko sa pageant. Kasi ibig sabihin nun na maraming beses pa kaming magkikita.

Ni hindi namin sinabi kay ellie na ung mga nangyari before, ang sabi lang naman ay She's just an old friend.

"Tita Janine is so nice" Masayang sambit ni ellie ng makapasok na kami sa pintuan ng bahay namin

"Paano mo naman nasabi?" tanong ko dito

Nagkibit-balikat siya "Nakikita ko lang. On how he handles Jamo." sagot nito sakin at inilapag ang kanyang bag sa sofa

"Did you met the father of jamo?" tanong ko ulit

Tumingin ito sakin at umiling "Jamo said that He doesn't have any father. Simula ng magkaron siya ng muwang mom, hindi nya nakilala ang kanyang papa" Sambit nito "Why is so interested mom?" dagdag nito

Umiling na lang ako, magsasalita pa sana ako ng biglang nagsalita ulit si Ellie

"Mom, tita Janine invited me on tuesday to have a lunch with her and Jamo" Sambit nito

Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kanya "h-ha? F-for what?!" tanong ko dito

nagulat yata si ellie sa pagtaas ng boses ko "She is our advisor for the pageant. She works at Ateneo thou. She assist all the grade students in all activities, and then ngyon samin po siya na-assign." Paliwanag ni ellie

"It's a no for me Ellie. Period-"

"But mom! How about the pageant!" Pagpuputol sakin ni ellie

"What's the matter baby? I heard you yelled?" tanong sakin ni elmo na kakapasok lang at hinawakan ang balikat ko

"Janine invites her to have a lunch for the pageant. And i said NO!" Sambit ko

"But mom!" Bulyaw ni Ellie "You want me to this mom right?" bumuntong hininga siya "I'll just talk to my teacher tomorrow that i will quit" Dagdag nito

"Ellie No! You will join the contest, ako na bahala sa mommy mo. You can do a lunch with Janine. Just be good" Singit ni elmo

Napatingin ako kay elmo "So pinapayagan mo siya?" tanong ko dito

Nagbuntong hininga si elmo "What's the problem with that? It's for the pageant." sagot ni elmo

Umirap na lang ako at umakyat sa kwarto namin.

Na-brain wash naba ni Janine ang utak ng anak ko. Kaya ayaw nila akong pakinggan. It's for her own sake! Ayokong mapahamak siya. Janine is very danger!

"Anong problema Julie? Dahil una palang ikaw na ang nagsabi kay Ellie na sumali siya tapos ganito!" Bulyaw sakin ni elmo

"If i know that janine will be their advisor, I will not signed the parent consent" Simple kong sagot

"Ano ba kasi ang problema mo??" Paguulit ni elmo

Tumingin ako sa kanya "Ayoko lang na mawala sakin si Ellie! Minsan ng nawala ang anak ko ng dahil kay Janine! Kaya hindi moko masisisi Elmo!" Sigaw ko dito

"Ilang taon na ang lumipas! Nagsisi na siya sa mga kasalanan niya! Why don't you give her another chance?" banggit ni elmo

"Another chance?" tanong ko

Tumango ito

"Another chance to break our relationship again!? Another chance to break our family? Or another chance na mawalan na naman ako ng anak?!!" Hinawakan ko ang sentido ko "Kung ikaw gusto mo siyang bigyan ng chance, ikaw ang bahala pero wag na wag mokong pwersahin" Dagdag ko

Inayos ko na ang mga gagamitin ko para sa mamaya. Kinuha ko ang notebook ko at nagtawag na sa mga food na kakailanganin

"I'm sorry. But it's final, hayaan mo na lang please. For ellie, maging hands-on na lang tayo sa pageant nya para malaman natin ung mga ginagawa nila. Okay?" Malambing na saad ni elmo habang hawak hawak ang balikat ko

Bumuntong hininga ako at bahagyang tumango "Pero sa oras na malaman ko na may ginagawa siyang hindi maganda kay Ellie ay lagot siya sakin!" Saad ko

Umiling si elmo "Don't stress yourself too much, just relax okay? I love you so much. I just want to have a peace love"

Tumango ako at tumayo para halikan siya "I love you"

Napatingin kami ni elmo sa pintuan ng biglang may kumatok

Pumunta si elmo doon para buksan ito,

"Dad... Where's mom?" Rinig kong sabi ni ellie

Napatingin naman sakin si Elmk kaya tumingin si ellie sa side na yun at nakita ako

"Mom...." Sambit nito at umakbang papasok sa kwarto namin

"What is it ellie?" Tanong ko

"If you want i will just quit just for you. I dont want you to get mad at me-"

Naputol ang sinasabi ni ellie ng bigla akong tumayo at yumakap sa kanya

"No Ellie dear, you can continue it. At hinding hindi ako magagalit sayo ano? You're my angel Ellie right?" saad ko at lumuhod sa harap nito para magkapantay na kami

Napansin ko na umiiyak na si ellie kaya pinunasan ko ang mga iyon.

"Sorry if nasigawan kita kanina. Hindi ko yun sinasadya okay?"

Tumango ito at humikbi "Sorry mom"

Umiling ako "Just tell me if may mga ginagawang bad sayo si janine okay?"

Nakita kong mukhang nagtataka si Ellie "Tita janine seems like a good lady mom" Paliwanag ni Ellie

I smiled at her "Just tell me okay?"

Tumango naman si Ellie at niyakap ako "I love you mommy!!" sambit nito

Ngumiti ako kay elmo at nakita kong nakangiti siyang nakatingin samin "I love you too my baby"

Xxxxxxx

Short update this time. Hehe ✌️ Hope you will continue to support TNOTP 💕

The Nightmare Of The Past [ book 3 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon