Past 10

364 24 3
                                    

Elmo POV

Pagkatapos na pagkatapos ng meeting ko kay Mr. Reyes ung dealer ng rice namin ay agad na akong lumabas at sakto nandun naman si Joanne

"Nandiyan na ba si Julie?" Tanong ko dito

Tumango siya "Opo sir. Nasa baba po sila ini-interview po siya."

Tumango na lang ako at pumasok na ulit sa function hall.

I texted janine na gawin 2:30pm na lang ung meeting namin dahil biglaan nga itong kay Mr. Reyes pumayag naman siya at buti may aasikasuhin pa siya.

Inayos ko muna lahat ng mga pinagusapan at piniramahan namin ni Mr. Reyes bago ko to ilagay sa file case ko.

Binuksan ko ang cellphone ko habang naghihintay kay Janine at julie. Sana naman unang matapos ung interview ni julie dahil hindi ko kaya ito ng magisa.

Ng wala akong magawa ay tiningnan ko na lang yung screen ko at napangiti family picture namin ito na kuha last week. Nasa sala lang kami at sabi ni manang ang ganda namin tingnan doon kay nagpresenta siya na kuhanan kami ng litrato. Kaya ayun nagkaron ng instant family picture na naman.

"Ano ba yang tinitingnan mo?"

Halos magulat ako ng biglang may nagsalita sa harap ko at tiningnan ko ito. Si janine...

Hindi na lang ako sumagot at ngumiti sa kanya

"Kanina pa ako kumakatok pero hindi mo naririnig dahil busy ka sa iyong telepono" banggit niya bago umupo sa upuan sa tapat ng mesa

"It's my family" nakangiti kong sagot magsasalita na sana ako tungkol sa partnership ng bigla ulit siyang nagsalita

"Ang swerte ng mga anak mo ano?" Biglang saad nito

Kumunot ang noo ko, bakit ganito ang topic namin.. "Yes. Super" sagot ko na lang

"May ama silang nandyan palagi sa tabi nila. Kapag kailangan nila nandiyan ka palagi. May magtatanggol" sambit na naman niya

"That's my job to protect my family" sagot ko

"How about jamo?"

Nagulat ako sa tanong niya kaya nanlaki ang mata ko at kumunot ang noo "Wha-What?"

"Simula noong nagkamuwang siya wala na siyang kinilalalang ama." Sambit nito

What the hell? Bakit sakin niya sinasabi ang mga iyan. Nakipag meeting ba siya sakin para magdrama siya?

"Alam mo bang laging nabbully si Jamo dahil tuwing family day ay wala siyang ama na kasama?" Dagdag nito

"Sobrang gusto ni jamo na makilala yung daddy niya kasi gusto niya matuto magbasketball pero walang magtuturo gusto nyang matutong magbike pero walang ama na magtuturo.. Sobrang laki ng kulang sa pagkatao ni jamo, tapos ngayon? May sakit pa siya., hindi ko na alam kung ano pa ba ang mapaitnna karanasan ang pwedeng mangyari kay jamo...." Banggit pa nito habang humihikbi

Napabuntong hininga ako "Look janine, i'm sorry for jamo okay.. We're here for the partnership hindi para sa drama. Look don't be ofended pero hindi naman ako yung tatay niya.. We're here for business" paliwanag ko

Tumingin sakim si janine at walang ekspresyon ang kanyang mukha "Maybe for you it's business,,.. But not for me" sagot nito

"What do you mean?"

"I'm here because Jamo needs you!"

Napaurong ako sa sinabi ni janine at lalong naguluhan. Ano daw? Kailangan ako ni jamo? Bakit naman niya ako kailangan? Im not his father..

The Nightmare Of The Past [ book 3 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon