Zone 0 - The Beginning

102 8 3
                                    


Author's Note: Yow. Wazzup? Bago ang lahat.. I just want you guys to inform na hindi ito ang story na as in boom! Maganda. Syempre.. I have my own flaws. At before I forgot.. trilogy ito.. zombies, ghost and demons. Zombie ang inuna ko. So iyon nga. Hinati ko rin pala ang mga nag-apply na characters. Kaya pag di mo pa nakikita ang pangalan mo sa story eh.. It's either na wala ka pa sa eksena or nasa ibang story ka. Yun lang! Enjoy!!!

***********


Malamig ang simoy ng hangin na tumatama sa aking balat. Papasikat na ang araw kaya naman naaaninaw ko na ang ganda ng paligid. Tanaw ko mula sa aking kinatatayuan ang napakagandang biyayang pinagkaloob Nya. It's been a decades since the nightmare ends. Parang kahapon lang ay nasa tabi ko pa sya. Ngunit ngayon ay nasa puso't, ala ala ko na lamang sya. Ang ngiting iyon na nakakapagpaliwanag ng kapaligiran. Ang kanyang mga matang may kakaibang kulay. Ang kanyang katalinuhang di mapantayan ninuman. Ang kanyang ugaling di matatawaran. At ang kanyang tapang at kabayanihang nagligtas sa sanlibutan. Sino nga ba ang makakalimot sa kanya? Wala.


"Lolo!!! Lolo!!! Ituloy nyo na po ang kwento nyo tungkol sa mga halimaw at mga bayaning nagligtas sa bayan natin!!" - bungad ng aking mga apo.


"Hahaha!! Kamusta na kayo mga apo? Matagal tagal na mula nung huli tayong nagkita kita ah!" - masaya kong turan at lumuhod para maging kasing tangkad ko nalang sila.


"Eh kasi naman Lolo eh! Super duper busy sila Mommy sa work nila kaya we have no time to visit you na!" - sabi naman ng babae kong apo. Napatawa naman ako sa kanyang pananalita.


"Okay lang yun mga apo. Ang mahalaga ay nandito na kayo." - sabi ko at iginiya sila sa upuan malapit sa bintana. Dito lagi ang aming pwesto pag sila'y bumisita rito. Buong araw ko lang silang kukwentuhan ng mga nangyare sa mga nakalipas na taon.

"'Lo!! Game na po! Kwentuhan mo na po kami! Mula po ulit sa simula ah!! Nakalimutan ko na po kase eh." - nahihiyang sabi ng apo kong lalaki at pumwesto na sa bandang gilid ko. Napatawa naman ako.

"Super stupid mo talaga Kuya! Why so makakalimutin? You're not matanda naman. Like duh!" - maarteng sabi ng apo kong babae at may kasama pang irap. Muli na namang dumaloy sa aking isipan ang imahe nya. May mga bagay talagang kahit pilit mong kalimutan ay hinding hindi mo magagawa dahil nagmarka na ito sa iyong puso't isipan. Hay...

"Sige.. magsiupo na kayo para masimulan ko na ang kwento." - sabi ko. Yun lang ay nagsitahimik na sila at matamang tumingin sa akin. Sumilay ang isang mapait na ngiti nang aking alalahanin ang nakaraan.


"'Lo! What happen? Are you okay? Why are you crying? Did Kuya kurot you? Hey!! Why are you kurot lolo? Do you want me to sumbong you to mommy?" - sabi ng apo ko. Napatawa naman ako.


"No he's not baby. So sit properly." - sabi ko at ikinandong na lamang sya.


"Okay.. Once upon a time.. there was a town named Psychoville.." - ipinikit ko ang aking mga mata at tuloy tuloy nang dumaloy ang mga ala ala. Malagim pero masaya at di makakalimutang mga ala ala...

********

A/N: Chapter 0 palang.. relax.. nagwarm up pa.. hahaha!!! Next chapter is..

The Outbreak

Psychoville Seven Deadly Sins Trilogy: Dead ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon