Unti unti kong iminulat ang mga mata ko. Shit! What the hell?
"Aray!" - daing ko. Masakit ang kanang kamay ko kase nga nadaganan ko. Pisti. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nasa loob ako ng isang di pamilyar na bahay. At ang malala pa nyan.. wala akong maalala!! Holy cow!
"Nasan ba ako?" - kausap ko sa sarili ko. Pinilit kong tumayo. Nakita ko sa tabi ko ang isang baril at isang envelope na brown. Agad ko namang dinampot iyon.
"You are our everything. Take care." - basa ko sa sulat. Napakunot naman ang noo ko. Ansabe? Tiningnan ko ulit yung baril na nasa lapag. Para saan naman yun? Tapos naisip ko na ano bang pangalan ko? San ako nakatira? At anong ginagawa ko dito!?! Damn!
Binuklat ko ulit yung papel at boom! Ayun! May nakasulat ngang pangalan sa ilalim ng sulat. Mukang ako nga iyong tinutukoy kase nasa ilalim sya ng sulat.
"Elena Lavender Wilson." - basa ko ulit sa nakalagay. Mukang ako yun. Ramdam kong ako yun. Agad kong ibinulsa ang sulat at basta nalang itinapon ang envelope. Kinuha ko na rin ang baril at isinukbit sa aking likuran para makasiguro.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Walang tao. Nasa loob pala ako ng isang kwarto sa loob ng isang bahay. Walang kagamit gamit. Mukang abandonado. Pero bakit ako nandito? Hay nako! Di bale na nga. Nakakasakit lang ng ulo eh. Maya maya pa ay tinahak ko na ang daan papunta sa pintuan. Pero bago ko pa mahawakan ang seradura ay napatigil ako sa isang salamin. What the hell?
"Bakit ganito ang mata ko?" - tanong ko. Titig na titig ako sa aking mga mata. Kulay violet ito! Pero paano? Paano nangyare yun? Naputol ang pagmumuni muni ko nang biglang may kumalabog sa labas. Agad akong tumakbo palabas pero agad din akong bumalik nang makita ko ang gumawa ng ingay. Isang.. isang.. halimaw!! Nanlalaki ang mga mata ko habang pilit nagsusumiksik sa aking pinagtataguan. Anong klaseng nilalang yun? Bakit.. bakit? Bakit ganun ang itsura nya? Nakaluwa ang kanang mata, parang agnas ang buong katawan, at napakabaho nya! Amoy na amoy ko ang nakakasulasok na amoy na iyon nung buksan ko ang pinto. At napansin ko ang langit ay parang natatakpan na ng makakapal na usok at puro dugo na sa buong paligid. Anong nangyare?
"Grrr... haaarrrr..." - I heard that creature groan. Papalapit na sya dito!! At nang akmang sisilipin ko ay..
"Aaaah!!!"
Bang! Bang! Bang! Bang! Bang!
Tuloy tuloy ko syang pinaputukan hanggang sa mabasag lalo ang bungo nya. Sigaw ako ng sigaw habang pinuputok ko ang baril mismo sa ulo nya. Gusto kong umiyak pero di ko kaya. Ang bilis ng takbo ng puso ko sa sobrang kaba. Nakaawang pa ng bahagya ang aking bibig at sumalampak sa tabi ng nilalang na iyon. Doon tumulo ang mga luha ko.
"Help me... please . Help me.. Im scared.. please.." - iyak ako ng iyak hanggang sa kusa nalang itong tumigil. Nararamdaman ko na ang hapdi ng mata ko kaya tumigil na ako. Tinitigan ko ang nilalang na iyon ng mabuti. Ano bang nangyare sa mundo? Bakit nagkaroon ng ganito? At.. anong klaseng halimaw ito? Sa matagal kong pagtitig ay bigla nalang lumitaw sa isip ko ang isang salita.
Zombie
Totoo? May zombie sa mundo? O nananaginip lang ako? Sinampal sampal ko ang sarili ko. Baka nananaginip lamang ako! Pero sa kasamaang palad ay hindi. Totoo. Totoo ngang nag-iisa lamang ako dito kasama ang isang patay na halimaw na may basag na bungo. Pinagdikit ko na lang ang mga tuhod ko at yumuko. Ilang sandali ang lumipas.. may mga pumapasok na mga ala ala sa akin. Mga paraan para mabuhay sa ganitong sitwasyon. Tama! Oo! Tumpak! Yung papel! May nakasulat doon na mga paraan. Ang galing!!! Agad kong kinuha sa bulsa ko ang papel at muli iyong binasa.
BINABASA MO ANG
Psychoville Seven Deadly Sins Trilogy: Dead Zone
HorrorOne Village, Three story of the history, Hundred of people die because they have one of the seven deadly sins. From the flesh-eating monsters to the God forsaken paranormal creatures. Are you ready to know the history?