—
This isn't me anymore?Really?
What does she expect me to do? After witnessing the death of my own family, did she expect me to be depressed and feel sorry for myself? That's not the real me, anymore. That's not my thing.
Tapos na akong magluksa, tapos na ako sa kabanata ng buhay ko kung saan mas ginusto ko na magkulong at kaawaan ang sarili ko.
Isang bagay na lang ang nais kong gawin ngayon, 'yon ay ang maipaghiganti ko ang Mommy ko at si Grace nang hindi umaasa sa letseng batas na umiiral sa bansa ito. Pagod na ako sa paulit-ulit na paagsasampa ng kaso at pagbabasura nila dahil kesyo hindi matibay ang ebidensya at kung ano-anu pa.
Basura.
Lahat sila, basura.
"And where do you think you're going?"
Sa pagbaba ko ng hagdan ay ang nakasimalmal na mukha ni Yuri ang sumalubong sa akin. Magkasalubong ang kilay, isang linya ang labi, at halos sumayad ang mapulang nguso niya sa sahig.
Mukhang naisumbong na sa kaniya ni Lucille ang mga kalokohan ko. What to expect? Si Lucille 'yon.
"Yesterday I was pestered by Lucille, ngayon ikaw naman. What do you want?"
"Ang tanong ko ang sagutin mo, saan ka pupunta?!"
"Sa bar, maghahanap ng babaeng mag—" Napatigil ako sa dapat na sasabihin ko nang marahas niyang ihampas at tumama sa bibig ko ang matigas na handle ng bag niya. "Fuck!"
"Ayusin mo ang sagot mo! Tatamaan ka talaga sa akin, nakikita mo." sigaw pa niya.
"Leave or else—"
"Or else what? Ano? Papatayin mo rin ba ako gaya ng ginagawa mo sa mga tao na hindi pumapabor sa'yo?"
"Don't even go there, Yuri."
"And why not? Bakit? Hindi bat totoo naman na mamamatay tao ka, Grayson."
"SHUT UP!" bulalas ko. Muntik ko na siyang masuntok nang kusang umaangat ang kamao ko, pinigilan ko lang ang sarili ko.
"Go! Saktan mo ako!" Panghahamon pa niya, may nakapaskil na ngisi sa kaniyang labi.
"Leave!" bulyaw kong muli. "Umalis ka na! STOP PESTERING ME!"
"G-Grayson, alam kong nahihirapan ka. Puwede ka lumapit kay Ate, I won't turned my back to my baby brother. Puwede ka rin lumapit kay Lucille, kina Kuya—"
"Hindi ko kayo kailangan kaya bago pa tuluyan na uminit ang ulo ko, mas mabuti pang umalis ka na." aniko at inalikuran siya.
"Gray..."
"Umalis ka na, gusto kong mapag-isa."
Ilang segundo ang lumipas na may nakakabinging katahimikan, maya-maya pa ay binasag iyon ng malakas na lagatok ng takong ng sapatos ni Yuri. Nang lingunin ko ang direksyon niya ay wala na ang kapatid ko.
Kumpirmadong, nadismaya kong muli ang ate ko.
But who cares?
Sila nga ay walang pakielam sa akin.
Iwinaglit ko sa isipan ko ang tagpong iyon, nilisan ko ang bahay at lulan ng aking bagong biling BMW M8 Convertible binagtas ko ang daan patungo sa katatayo lang na casino ng kasamahan ko sa Foedus na si Indigo Magtanggol.
A win from gambling and the touch of alcohol might solve this.
Magpapakasaya lang ako saglit saka ako magbabalik trabaho, I've been through a lot. I deserve to have my own happiness. Hindi pa ako sa satisfied sa mga pinagagagawa ko this passed few days.
BINABASA MO ANG
GRAYSON FIUMARA (WILD MEN SERIES 49)
RomanceThey say an elephant never forgets, same goes to the adoptive heir of Charles Fiumara and the newest member of Foedus Corporation. Grayson Eleazar Fiumara, raised from the family of doctors and entrepreneur. He was born with a silver spoon in his m...