Chapter 11

42 24 3
                                    


"Tara na punta na tayo sa banda ni Jackson," bati nito ng makalapit ako.

Kinuha niya ang kamay ko at pinagsiklop muli, hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang hinihila niya ako papaalis sa pwesto namin. Hindi pa rin mawala sa isip ko nangyare kanina lamang tapos ngayon ay pupunta ako sa kanila para manood.

Nagallakad kami ng sabay ni Harvy hindi matanggal ang kamay niya sa akin. Kaya ang mga tao ay nakatitig na naman sa amin at parang kami ang putahe ng kanilang usapan dahil habang nag bubulungan sila ay nakadapo ang tingin nila sa kamay namin.

"Ako raw ang sub sa kanila bilang gitarista." Masayang sabi niya.

Napangiti ako ng wala sa oras sa sinabi niya hindi ko alam pero natutuwa ako na siya ang tutugtog ngayon. Magaling siya sa camera pati ba naman dito. Baka may marami pa siyang alam.

Papalapit kami sa stage, maraming humihiyaw. Practice palang nila ito pero ganito na sila kaingay, paano pa kaya kung lahat ng student ay nandito pati ang mga outsider.

Kaya malaki ang kita ng school namin sa kanila dahil last year ay ang banda nila Jacskon ang kumanta dito nanningil ang school namin para sa mga outsiders na pupunta.

Umupo muna kami malapit sa stage, ang mga tao sa paligid namin ay mas lalong nagbulungan. Hinayaan ko sila dahil mas busy ako ngayon sa kasama ko dahil may kinekwento siya habang inaayos ang gitara niya.
Ilang minuto ang lumipas lalong dumadami ang tao sa paligid namin pati na rin ang hiyawan.

"Magstart na pala, aakyat na ako. Dito ka lang sabay tayong lalabas dito." Sabi nito.

Tumango ako sa kaniya at kinawayan siya habang papalayo siya. Napalingon ako sa babaeng umagaw sa upuan ni Harvy kaya kumunot ang noo sa kaniya. Tinignan ko siya ay kita ko na may mga lipores siya sa likod.

Iniayos niya ang buhok niya sabay linabas ang lipstick tsaka linagay sa labi niya. Hinayaan ko lamang ang babaeng iyon sa tabi ko, ibinaling ko ang tingin ko sa stage kung saan nagaayos ng gitara si Harvy, napansin ko pa na nagtatawanan sila ni Jackson. Ayaw ko talag na maging magka-away silang dalawa ng dahil lang sa akin.

"He is looking at me!" Sigaw nito kaya napalingon ako sa kaniya at tinignan siya mula hanggang paa. Binigyan ko siya ng masamang tingin, napansin yata ako ng alipores niya dahil nakita akong tinarayan.

Binaling ko ang tingin ko Harvy na naggigutara at nakatingin sa gawi namin nginitian ko ito ng matamis kaya ngitian niya ako pabalik pero nahuli ko ang mata niya dumapo sa katabi ko kaya nawala agad ang ngiti ko.

Nakinig lang ako ng kanta nila, isang beses napalingon ako sa gawi ni Jacksonnagulat ako dahil nakatingin siya sa akin kaya umiwas ako ng tingin at binalik na lamang ang tingin kay Harvy.

Mabilis lang ang ginawa nilang pagkanta kaya lang nauubos na ang oras at kailangan ko ng mauwi dahil magagalit si manang sa akin. Napatingin ako sa orasan ko nagpasiya ako na umalis na sa upuan o dahil grabe rin magbulungan ang alipores ng babaeng iyon para bang pinaparinig sa akin na umalis ako sa puwesto ko.

Kahit maraming tao ang nagkakantahan pinilit kong makadaan sa kanila. Halos maitulak ko ang dinadaanan ko masyado silang dikit-dikit pakiramdam ko ay nagkaka-amuyan na sila ng putok lalo na doon sa parteng likod.

Mabuti na lamang ay malaks ako ay mabilis akong nakalabas sa gym kung saan maraming tao. Huminga ako ng malalim at tinignan ang orasan mabuti isang minuto lang ang nangyare sa pag-alis ko doon.

Tinog pa rin ng tunog ang pagkanta nila pero hinayaan ko na yon at diretso na sa paglalakad. Nagulat ako ng may humigit sa bewang ko. Liningon ko iyon at nalagalag ang panga ko.

Si Harvy ito at binigyan ako ng masamng tingin kaya natawa ako sa kaniya.

"Ano na naman yang tingin na iyan?" Inis kong tanong sa kaniya.

Island Of Waves (Grenna Severa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon