Part 3
Three weeks silang nag-review dun. Hindi naman ako araw-araw nanggugulo sa kanila. Naawa naman ako kay Jade. Baka mapunit nya yung libro nya. Lalo pa't naging close kami ni Prince. Kilig!
"Class there's a slight change of the schedule for our Science Fest. Ini-move nila ito the exact date para sa ating Costume Party for Halloween. So, for Prince and Jade, hindi na kayo makakapunta sa party. Alam nyo naman sigurong gabi ang schedule nyo sa Fest dahil maraming kalahok at gabi rin naman ginaganap ang party."
"What?! That can't be! Nakabili na'ko ng costume ko!" reklamo ni Jade.
"I'm sorry, Jade. Pero di talaga sya pwedeng i-move pa. Hectic na ang schedule for this month kaya di pwedeng i-postpone ang Costume Party."
"Oh no!"
Ay sayang! Di makakapunta si my labs. Wala nanaman akong partner, for the nth time.
"Is it okay with you, Prince?"
Nananahimik lang kasi si Prince, bukod sa nakakunot ang noo nya.
"Well, wala naman ng magagawa," mahinang sabi nya.
Ba't parang disappointed sya? May date na kaya sya? Aww...
"Sorry talaga sa inyo."
**
Ngayon na ang Science Fest, at the same time, Costume Party. Sa school gaganapin ang party. Ang dami ngang naka-costume ngayon eh. Ako naman ang costume ko pang-princess. Ambitious lang. Pero halatang disappointed si Jade. Sila lang kasi ni Prince ang naka-uniform.
"Goodluck sa inyo!" Todo cheer na kami sa kanilang dalawa.
Lumapit ako kay Prince na inaayos ang bag nya.
"Hey..."
"Uy, Jal. May kailangan ka?"
"Wala naman. Gusto ko lang i-goodluck ka."
"Thank you. By the way, you look so beautiful tonight. Bagay sayo ang suot mo. You look so much like a princess."
Naramdaman ko nag-init ang mukha ko. "Thanks..."
May narinig kaming nag-ring. Phone ni Jade.
"Hello? Mom! What?! Now?! Mommy naman! Bakit naman ngayon?! I'm expecting you to be there! Why are you leaving?! Lagi naman kayong ganyan eh! Oh, I hate you, Mom!"
Halos lahat kami nakatingin sa kanya. Naiiyak na kasi sya. Nung binaba nya yung phone ayun naiyak na nga. Nilapitan ko sya.
"Jade? May problema ba?" Inabot ko sa kanya yung panyo ko.
Di nya ito inabot pero umiiyak lang sya.
"Hey... You can tell me."
Nag-angat sya ng paningin. And hurt is visible in her eyes.
"Can I?"
"Oo naman. Halika." Niyaya ko syang umupo sa bench. "Anung meron?" Wala pa naman yung sundo nila papuntang venue ng contest kaya ok lang.
"It's my mom. A-aalis kasi sya ngayon. Ngayon pang may laban ako! N-nakakainis!" She's still sobbing habang nagkekwento.
"Nasan sya?"
"Nasa airport na sya ngayon. S-she's always like that. I-iiwan nya 'ko pag kailangan ko sya. Tapos ilang buwan sya dun nang di nagpaparamdam."
I didn't know may kinikimkim pala sya. Maybe she lacks attention from her mom.