Part 2
The next day ay super high ako. Ewan. Siguro kasi excited akong mag-uwian. Sa library kasi wala masyadong tao kaya naman halos wala rin akong ginagawa. Nagbabasa lang ako dun lalo na pag walang tao. Ang saya nga dun eh kasi laging nandun si Prince.
Guguluhin ko sila! Joke. Ayoko namang matalo ang Prince Charming ko. Okay lang matalo yang bruhildang 'yon.
"Prince! Tara na sa library. Mag-review na tayo," sabi ni Jade.
Whoo! If I know lalandiin mo lang sya.
"You go first. Maglilinis pa'ko. Magbasa ka na, I'll review you later."
"Eh? Sige." Tinignan nya pa'ko tsaka nag-smirk.
Weh? Di mo bagay teh!
Cleaner nga pala ako ngayon. Pero kasama ko sya! Ang saya lang.
Inaayos nya yung mga upuan, ako naman nagwawalis. Si Mariole naman ay umuwi na.
Anyway! Kaming dalawa lang dito. Tinakasan kami nung mga kasama naming maglinis. I should be mad but I'm not.
"Achoo!" Nabahing ako gawa ng mga alikabok na lumipad.
Napatingin sya sakin saka ngumiti. Nakakahiya! Ang pangit ko pa naman pag nababahing.
Pagkatapos namin maglinis inayos ko na yung bag ko. Siya naman nakasukbit na ito sa balikat nya.
"Um... May duty ka ngayon?"
*Gasp* Alam nya? Shocks!
"Ah... Oo. bakit?"
Ngumiti sya. "Sabay na tayong pumunta sa library. May review kasi kami dun eh."
"Sige." Syempre pa-demure muna ako. Baka matipuhan ako eh.
Tahimik kaming naglalakad papunta sa library.
Magsalita na kaya ako? Baka ma-bore sya sakin eh. Sige na nga! Eto na.
"Ah..."
"Um..."
Nagsabay kami ng pagsabi. Nagkatinginan kami saka natawa. Ang sarap pakinggan ng tawa nya.
"Ano yun?" sabi nya.
"Eh... Paano mo nalaman na may duty ako sa library?" Normally naman kasi yung mga tao walang pakialam. Tapos siya parang di naman niya ako napapansin sa library tuwing nandun sya.
"Oh that... Nakikita kita dun eh."
Uy, tinitignan niya 'ko!
"Ganun..?"
"Yeah..."
"Ano pala yung sasabihin mo sana?"
"Ah... Kuwan... Tatanong ko lang kung bakit kailangan mo pang mag duty sa library?"
Kasi nandun ka.
"Ah... Pastime lang."
"Mahilig ka ba magbasa?"
"Medyo lang."
"Ah... Pareho pala tayo. Lagi rin kasi akong nandun, kung hindi mo napapansin."
Ikaw lang kaya tinitignan ko dun.
"Nakikita kita ron."
"Talaga?" Yumuko sya saka napansin ko ngumiti sya.
Ang bilis naman ata ng tibok ng puso ko. Baka atakihin ako nito.
Lumayo ako ng konti sa kanya. Baka kasi marinig niya yung tibok ng puso ko. Feeling ko kasi naka-loudspeaker siya ngayon.
"Ba't ka lumalayo?"
"Wala naman."
"Takot ka ba sakin?"
"H-Hindi ah."
"Wag ka matakot sakin. Di naman kita sasaktan. Poprotektahan pa kita..." Di ko narinig yung huli nyang sinabi kasi parang binulong nya lang.
But somehow that made me feel secured.
Nakarating na kami sa library. At dahil nga wala naman masyadong tao, as usual, umupo muna ako saka nagbasa, which is malapit sa table nila Prince at Jade. Mga three seats away.
"Nagbasa ka ba?"
"Oo naman."
"Sige, tatanungin kita. Product of mass ang velocity."
"Momentum."
Tsamba.
"Amount of matter present in a substance."
"Um... Mass."
Mas magaling pa rin si Prince ko kesa sayo. Wala syang ginagamit na book oh!
Nagtanungan lang sila ng nagtanungan. May mga mali rin naman si Jade. Minsan nga sinasagot ko yung mga tanong ni Prince sa isip ko. Though may mga mali talaga. Hay...
"What law states that for every action there is an equal and opposite reaction?"
"Um... Teka di ko ata na-review yan..."
Ako alam ko yan! Memorize pa nga eh.
"Law of Interaction, tanga. Wala ka pala eh. Mas magaling ako sayo," mahinang sabi ko.
Napatingin sila sakin. Ngumiti naman si Prince.
"Anong sabi mo?" mataray na sabi ni Jade.
"Bakit ka nangingialam? Kinakausap ko yung libro," sabay turo sa libro na hawak ko.
Ngumiti ng malawak si Prince. Natawa pa nga ng mahina eh. Cute!
"Palibhasa hindi sya ang representative."
"Wow! Hiyang-hiya naman ako sa galing mo." Tiniklop ko na yung libro saka tumayo. Dumaan ako sa likod ni Prince.
"Feisty," bulong nya.
Napangiti naman ako dun. Ang landi ko.
To be continued...