Part 4.
Pagdating namin sa school nilapitan agad kami.
"Ano kumusta? Talo ka?" salubong sakin ni Mariole.
"Ganyan ka. Tse! Di kita ite-treat!"
"Uy grabe naman. Alam mo namang mapagbiro ako diba?" sabay kapit nya sa braso ko.
"Hmp! Panalo ako! Fifth place!"
"Congrats, sis! I'm so happy for you!"
"Mariole. Yung tux ko?" Lumapit samin si Prince saka nagtanong.
"Ay andun sa upuan ko. Sa table 7."
"Salamat."
"Tux?" Tanong ko kay Mariole nang makaalis si Prince.
"Yup! Papahuli ba naman 'yan? Inutusan niya akong dalhin na dito yang tux nya para pagkatapos daw ng contest eh babalik sya dito. May mission eh," makahulugan nyang sabi.
"Mission?"
"Oo. Basta! Halika i-retouch natin yang makeup mo. Ang haggard mo na."
Hinila nya ako papuntang restroom.
"Paano yun eh naka-uniform sya?"
"Alam mo nagtataka talaga ako kung pano ka naka-fifth place sa contest na yan." Hinubad nya yung medal ko saka nilagay sa pouch nya. Naglabas sya ng makeup saka ako inayusan ulit.
"Heh!"
"Aalisin nya lang naman yung polo nya. Eh naka-white shirt naman po kasi sya sa loob. Kaya isusuot nya lang yung tux nya. Tutal black naman yung slacks ng boys kaya no problem. Gets?"
"Ah..."
Paglabas namin ng restroom dumeretso kami sa table 7. Nandun si Prince, nakaupo. Ang gwapo nya. Kahit nagsuot lang sya ng tux, lakas pa rin ng appeal nya. Or is it just me?
"Hey..."
"Hello." Tinulak ako ni Mariole paupo sa tabi ni Prince.
"Lalandi muna ako saglit dun," sabi ni Mariole.
And that leaves me and Prince alone.
Awkward.
Sabay kami napatingin sa isa't isa.
"Um... Wanna... Wanna dance?" tanong nya.
"S-sure." Chance na 'to no!
Inabot nya sakin kamay nya. Nagpunta kami sa medyo gitna ng dance floor. At first medyo nagkaka-ilangan pa kami. He broke the silence.
"Congrats nga pala ulit. You did a great job."
"Well... Thanks to you. Salamat sa suporta."
"Wala yun."
Silence...
"So... Uh... May... May sasabihin kasi sana ako sayo," sabi nya.
"Ha? Ano yun?"
"Um... Kasi..." Kinamot nya yung batok nya. Tapos di sya makatingin ng deretso sakin. Napansin kong tumingin sya sa likod ko saka sya nagtaas ng kilay like asking 'What should I do?'.
Pagtingin ko naman si Mariole ang nandun. She was signalling something with her hand pero nung tumingin ako binaba nya yung kamay nya. Weird.
"Jal... Uh... *Ehem* I'm not good at this."
"Ano ba yun?"
"Ganto kasi yun... Alam mo namang pinsan ko si Mariole diba?"
"Oo."