Law Of Interaction and Disney Fairytales

120 2 0
                                    

Part 1

Alam nyo ba yung Law of Interaction ni Isaac Newton?

Screw that!

Sinong may sabi na "For every action, there is an equal and opposite reaction."? Bakit? 'Yan nga ba talaga ang nangyayari?

Siguro kung ang pesteng Physics ang pinaguusapan, posible pa. Pero kung sa totoong buhay, ganyan ba ang nangyayari?

Hindi naman, eh. Kasi may krisis akong kinakaharap ngayon na may kinalaman dyan sa law na yan!

"Hoy, Jal! Tulala ka nanaman dyan! Kung mag-review ka kaya? May quiz tayo sa Physics," sabi sakin ni Mariole.

"Kaya nga tulala ako eh! Wala akong maintindihan sa binabasa ko!"

Hindi po yan ang sinasabi kong krisis. Eto yun oh...

"Sige ka. Baka ma-turn off sayo si Prince. Alam mo naman yun mahilig sa mga matatalino at masisipag mag-aral."

Yan po. Problema ko si Prince, ang mahal ko.

Pinsan nga pala ni Mariole si Prince kaya marami syang alam tungkol kay dito.

Isama pa natin ang walanghiyang Disney Fairytales na yan.

Eh hindi naman laging happy ending eh! Pinapaasa nyo lang kaming mga babae. You make us believe that we would always find our Prince Charming that will love us unconditionally. Yung tipong patay na nga kami eh hahalikan pa rin kami at pakakasalan. Na kahit ano mang katayuan namin sa buhay eh tanggap pa rin kami. Na kahit nanlilimahid kami sa dumi eh maganda pa rin kami sa paningin nila. Na may lalabas na nagsasalitang tasa at daga, may matabang genie at fairygodmother, may glass slippers at mga dwende. Walanghiya. Eh wala naman eh!

Kung bakit kasi masyadong paasa si Isaac Newton at Walt Disney. Kung buhay lang ang mga yun hanggang ngayon malamang marami silang haters.

"Hoy, Jal! Nagbibiro lang ako. Ikaw naman. Mahal ka nun."

"Tumigil ka nga dyan, Mariole. Isa ka pa."

Alam nyo kung ano pa yung nakakainis? Ang buong pangalan ni Prince ay "Prince Isaac". Fudge lang, diba?

Dumating na ang Physics teacher namin tsaka na kami nag-quiz. 13 lang naman ang nakuha ko. Out of 30. Drat!

Nag-recess na kami nung pinalabas na kami ng teacher namin.

"Ang dami naman nyan."

"Heh! Badtrip ako, wag kang magulo."

"Bahala ka."

Umupo kami agad sa table namin saka na kumain. Subo lang ako ng subo.

"Hoy, magdahan-dahan ka nga. Baka nakakalimutan mo, ang type ni Prince yung mga demure at modest. Yung kilos-prinsesa."

"Whatever! Saka na yang Prince na yan. Naaasar ako kay Isaac Newton at Walt Disney."

"Ano nanaman ang kinalaman nila?"

"Basta!"

Napansin ko si Prince nasa may kabilang table kasama ang mga kaibigan nya. Dyan naman sila talaga umuupo. Memorize ko na yan. Kaya nga dito kami tumatambay eh.

"Oy, Prince, kinukulit ako ng kapatid ko. Number mo raw," sabi nung isang lalaki.

Ang landi ng kapatid mo, tsong.

"Ayoko. You know I don't just give away my cellphone number."

Ha! Nasa akin kaya. Pano ko nakuha? Para-paraan lang yan!

"Sige na! Kinuha nya yung PSP ko. Ayaw nya ibalik."

Ay, under si kuya.

"Akala ko ba kapatid mo? Ba't sya nasusunod?"

"Eh bunso sya eh! Pagagalitan ako ni Mama pag binatukan ko."

"Tell her I don't want to."

Ang sungit talaga ng Prince Charming ko.

** 

Malapit na pala ang Science Fest. At the same time naman Halloween. Tch! Wala nanaman akong partner.

Yung sa Science Fest namin eh isa syang interschool competition. Maglalaban-laban ang mga private schools sa District namin. Wala naman akong pakialam dyan kasi dalawa lang ang sasali bawat year level. Nahulaan nyo naman na sigurong hindi ako yun. Kinamumuhian ko kaya ang Physics. Sayang nga lang kasi si Prince yung isa. Ewan lang kung sino kasama nya kasi yung kasama nya noon lumipat na ng school.

Sa Halloween eh may party dito sa school. Of course, it's a Costume Party. Tapos kailangan pa ng partner kasi may contest din dun ng pagandahang costume ng magkasama. Psh! Wala nanaman akong kasama. May nagyayaya naman sakin pero tinatanggihan ko. May inaantay ako eh. Pero tuwina pareho ko syang nagpupunta nang mag-isa. Ewan dun kung ba't walang niyayaya.

"Ok, so considered naman na na si Prince ang representative natin sa Science Fest 4th year level. Pero ang problema natin eh kulang ng isa. Sino bang pwede natin isabak dito na capable sa pagsali?" Lumingon-lingon yung teacher namin.

Alam ko namang di ako mapipili dyan. Ang bababa kaya ng scores ko sa Physics.

Napansin ko nagtaas ng kamay si Jade, ang mortal kong karibal. "Ma'am ako na lang po. I think I'm capable of joining the contest," maarte nyang sabi.

Malandi kang babae ka.

Palibahasa kasi may gusto kay Prince. Sabagay, medyo magaling naman sya sa Physics. Medyo lang. Bitter na kung bitter.

"Ok. I think so, too. So, ok ba tayo dun, class?"

Nagtanguan na lang sila. Ako naman umob-ob na lang sa mesa ko. Nakakawalang-gana.

"So, it's decided then. Prince and Jade will be partners."

"Thank you, Ma'am."

Umalis saglit si Ma'am kaya nagkaroon kami ng pagkakataon na mag-ingay. Si Jade naman nagkaroon ng pagkakataon na landiin ang Prince Charming ko. Kaasar.

"Hey, Prince. Partners na tayo ngayon. Sana pati sa status no? Partners din tayo."

Walanghiya talaga 'tong babaeng 'to. 

Narinig ko nag-chuckle lang si Prince.

"Sorry, I'm not interested."

Burn!

Natuwa naman ako sa sagot nya. Take that Jade! Booya!

"Hmp! Anyway, kailan tayo mag-start mag-review?"

"Bukas na lang. Tuwing uwian tayo."

"Saan naman?"

Hindi ko narinig na sumagot si Prince. Nag-iisip pa ata.

"Um... Sa... Library! Tama. Library. Tuwing uwian."

"Oh sige. Re-review-hin ba tayo ni Ma'am?"

Di na nakasagot si Prince kasi sumigaw ako.

"Yes! Ayos! Ang saya!" Tinaas ko pa ang mga braso ko.

Napatingin silang lahat sakin. Err... Awkward.

"Nangyari sayo? Todo ngiti ka pa dyan," tanong ni Mariole.

"Wala lang. Masaya lang." Binaba ko na yung mga braso ko.

"Weirdo," narinig kong sabi ni Jade saka pa umirap sakin.

Whatever, loser! Masaya ako eh. Kasi naman! Magre-review sila sa library tuwing uwian eh may duty ako dun tuwing uwian din! Oh diba? Kahit papano makakasama ko sya. Kahit kasama yang bisugong yan.

To be continued...

Law of Interaction and Disney FairytalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon