SA AKING MAKATA
Makata na aking pinaglilingkuran
Sayaw ng iyong mga kamay
Dikit ng aking labi sa papel na pakay
Marahil kung tignan ay isang palabas sa tanghalan.Malaya mong inuukit
Mga letra at salitang kaibig-ibig
Dala-dala ang tamis ng pusong kumakabig
Sa higpit ng iyong daliri ako ay kumakapit.Sa pagpatak ng itim na dugo
Buhay ko ay nalalagas
Kapalit ang pagmamahal sa sining na wagas
Makata na siyang kilala bilang sugo.Nawa'y sa iyong paglimi tuwing gabi
Makakamtan ang mga hangaring inukit
Patak ng tubig sa iyong mata dulot ng sakit
Saksi ako sa mga gunitang iyong sinabi.Pinaparangalan kong makata ng aking tula
Sa aking tinta kukulayan ko ang iyong diwa
Iaalay sa iyo ang bawat wika
Sabay nating abutin ang ulap nang tayo ay malula.