GUNITA
Isang hindi malilimutang ala-ala
Ang mga kamustahan at kantyawan na natatanging dala
Malalakas na indayog ng musika
Bawat galaw ay nagmistulang isang makulay na mahika.Sa pagmulat ng aking mga mata
Aking natutuhan, ito ay isang panaginip lang pala
Marahil, ang paraisong aking tinatanaw
Isa na lamang larawang hindi gumagalaw.Pikit mata kong dinaramdam ang dampi ng malamig na hangin
Bituin at buwan na nagsisilbing liwanag sa akin
Sa pagtalunton ng mga anino ng nakaraan
Hanggang paggunita na lamang ba ang sagot sa tanong na kailan?Bawat hakbang ko sa daigdig
Talimahing binabagtas ng aking pluma ang bakas na aking ibig
Hindi matapos-tapos na paglalakbay
Pansin ang walang wakas na pagbabaybay.Nais kong maka-alpas
Sa mga paggunitang nagbibitaw ng bakas
Isa na lamang itong memoryang nagmistulang sining na makabuluhan
Bibigyang buhay katulad ng mga kathang-isip na tauhan.