TUMINGIN KA BINIBINI
Magandang anak ng buwan
Ano-ano ang iyong pinagmumunihan?
Bakit ka palaging nakatulala sa kawalan?
Ito ba ang mga nagtatakbong gunita sa iyong isipan.
Sa iyong matang puno ng bituin
Kapag ito ay tumitingin sa akin ay nagniningning
Pagkislap ay tila dyamanteng may kamahalan
Ngunit taliwas sa pandamang ngayon ay kapighatian.
Huwag kang mag-alala binibini
Dama ko ang iyong sinasarili
Masdan mo ako sa repleksiyon
Ilabas mo ang pusong puno ng tensyon.
Bigyan mo ng pagkakataon ang nasabi
Linawin ang mga bagay na dapat isantabi
Alaala ng nakaraan ay bitawan
Ibaon sa kung saan ito unang nagka-lamatan.
Ipikit mo ang dalawang bola
Tanaw mo ba ang mga tala?
Ilaan mo sa iyo ang lahat
Maging ako ay paglilingkuran kang tapat.