PUSO KO, GAMITIN MO AKO
Marupok na nilalang
Palagi mo nalang sinusunod ang liham
Protektahan ang iyong sarili sa mga agam-agam
Kung ayaw mong magising na pira-piraso nalang.
Pakiramdaman mo ang kapaligiran
Huwag magpa-dalos-dalos sa kahit sino man
Talasan ang iyong sanlibong mata
Nang makita kung sino ang totoo sa kanila.Matalas na mga alaalang nakabaon
Taliwas man ang iyong prinsipyo
Hindi kita pipigilan sa pagsakripisyo
Hampas ng boses ko ay maririnig mo na parang alon.Isipin mong walang sasalo sa luha mo
Huwag mong hintaying wasakin ka ng iyong amo
Para sa kanila ikaw ay isang bola
Paiikutin hanggang matira sa iyo ay wala.Ingatan mo ang iyong mga luha
Maiging suriin ang kanilang pakay
Katunggali ko sa lahat ng bagay
Para hindi na ito lumala kagaya ng bumaha.