BALIKTANAW
Dalisay na simoy ng hangin ang dumampi sa aking balat
Nakakahalinang sayawan ng mga alon sa dagat
Awitin ng mga nagliliparang ibon sa alapaap
Tanaw ko ang ginhawa ng paraisong dating linalasap.Rumahuyo sa buong sistema ko ang isang amoy
Halimuyak ng isang bulaklak na punong puno ng pag-aasam tuloy
Tila harana ang ugong ng mga gulong
Marilag na paggunita sa akin ang bumubulong.Kislap ng bituin na tila sumisigaw ng kapayapaan
Isang pilapil na minsang itinuring paraisong sinilangan
Ngunit sa paghayo ng orasan
Ang tubig sa karagatan naging lason ng nakaraan.Ninais kong maka-alpas
Sa mga dili-diling dapat ay ibinaon sa wakas
Hanggang dito nalang ba? Pahimakas
Ang pagba-baliktanaw ko sa paraisong tumakas.