A day with him- part 2

86 5 0
                                    

Rain's POV:

Nandito kami ngayon sa Starbucks.
Yeah ako diba nanalo. Hahaha. Galing ko talaga.

"Rain hinahinay naman sa pagkain ng blueberry cheese cake grabe to subuan mo naman ako" nabulunan ako sa sinabi niya.

"Nahihibang ka na ba?" Nagpout siya ang cute ay hindi pala katacute eh.

"Hindi ka ba nacucutan sa muka ko pag nagpout?" Nabulunan ulit ako. Umarte siya nang para bang nasaktan talaga ang arte lang talaga niya.

"Hindi muka ka kaseng aso." Pabirong sabi ko.

"Bat ka ba kanina ka pa nabubulunan? Hahaha pogi ko ba?"

"Hahahahaha pogi mo nga eh..."

"Talaga pogi ak-" hindi ko na siya pinatapos nagsalita agad ako

"Oo pogi mong ibaon" nakangiting sabi ko.

Nagwalk out siya... Hala nagalit ko ata.

Cloud's POV:
Nakakainis nakakainis ang torpe ko... At sa katorpehan ko naiwanan ko na pala siya haaay!

Ang saya saya niya palagi kaya ko mahal yon eh oo mahal ko bakit palag?! Shhh wag kayong maingay ha?

"Sorry na" hindi ko siya sinagot.

"Sorry na kaseeeee..."

Lumabas na ako sa mall pero hinahabol padin niya ako. Nakakilig naman hahaha ang bading ko puta.

Rain's POV:

Umuulan pala ang lakas pero...

Sinuba niya ang ulan hinabol ko din siya at hinila yung kamay.

Ngayon kaming dalaw nasa ulan.

"Uy sorry na kase sorry na sorry na sorry na" naiiyak na ko kase ngayon lang ako nakakilala ng isang taong laging nasa tabi ko.

"Umiiyak ka ba? Sorry ha? Naiinis kase ako sasarili ko." Pasigaw yung pagsasalita namin kase malakas ang ulan.

"Sorry na ha? Bati na tayo wag ka na magagalit ha?" Hindi ko alam kung bakit nagkakaganto ako ang gaan kase ng pakiramdam ko sakanya eh.

"Oo bati na tayo promise hindi na ko magagalit sorry" niyakap niya ko hindi na ko nakapalag kase parang pakiramdam ko hindi niya ako papahamak nanatili ako sa yakap niya naririnig ko ang tibok ng puso niya

Sobrang lakas...

"Tara na Cloud magkakasakit tayo eh" hinila ko siya sa isang lugar na masisilungan.

"Ano ba yan ikaw kase ang arte mo hahahahaha! Basang basa tayo ko"

"Nakakainis kase eh natotorpe ako sayo" hindi ko narinig yung kasunod...

"Tara kain tayo lugaw" hinila ko siya sa lugar ng makakainan ng lugaw dun kase ako laging kumakain.

"Ate! Paorder dalawang lugaw tokwa't baboy" tsaka binayaran ko na.

"Ano? Masarap ba?" Tanong ko kay Cloud kanina pa di nagsasalita eh.

"Ah eh oo naman mesherep keye" Hahahahahaha. Ang bakla.

"HAHAHAHAHAHAHA!" Hindi ko mapigilang tumawa kase seryoso ang pagkakasabi niya.

"Ang tawa naman nito. Ingay mo Rain"

"Hahahahahaha pfftttt--- yung pagkakasabi mo hahahahahahahaha sobrang seryoso whahahahaha nakakatawa talaga whahahahahaha"

Cloud's POV:

Ang sarap naman sa pakiramdam ng napapasaya ko siya.

Haayy! Akin ka nalang Rain mahal na mahal kita eh.

Hinatid ko na siya sa condo niya. Naaawa nga ako eh magisa lang siya sa buhay.

Kaya nga ako nandito na sa tabi niya.

"Babay na Cloud ah? Sobrang nagenjoy ako ang saya saya ko alam mo ba yun?" Napangiti ako sa sinabi niya.

"Oo naman lagi lang akong nandito basta eto number ko ha?" Sinabi ko na yung number ko. Mamaya nga matawagan siya haha.

"Babay Rain! Tawagan kita mamaya ha?" Sabay kindat ko syempre hahaha!

Nakakilig ba? Hahaha. Thanks for reading all the love x
Vote and comment guys!

Love in the rainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon