Rain and Kurt

71 3 2
                                    

Rain's POV:

Nagrecess na at naglabasan ang mga kaklase ko na para bang nakawalang mga hayop sa Zoo. Tss. Parang mga bata lang?

"Huy!"

"Ay! Bakulaw." Nakakagulat naman kase tong Bakul- ay este etong Kurt na to eh.

"Muka ba kong bakulaw sa lagay na to?" Sabay himas sa chin tas nag pogi sign.

"Ewan ko sayo makakain na nga." Lumabas ako.

Pero siya?

Ayun hinahabol ako hahaha! Iniwan ko kase eh.

"Oy! Oy ganyanan ah?" Sasamahan ko na nga siya.

"Halika nga dito hahahaha!" Napapansin kong nagbabalik na ang masayahing ako ewan ko ba?

Hinila ko si Kurt.

Sinama ko siya sa paborito kong tambayan.

Kurt's POV:

Kaninang umaga nakita ko si Rain tumatakbo nabunggo niya ako pero hindi niya ako tiningnan oo ako yung nabunggo niya.

Ang laki ng pinagbago niya.

Lumipat ako dito sa Maddison University. Kase nandito kase si Rain yung nagiisa kong bestfriend. Namiss ko lang siya. Hahaha.

Dito niya ako dinala sa isang garden na wala masyadong tao mahangin mapuno tas may bench tas may silungan.

Umaabon ngayon eh. Ang presko dito. May mga patak ng ulan sa mga halaman. Mahangin nakakarelax. Isama mo pa yung maganda kong isang bestfriend. Hahahaha.

"So kamusta ka na? Ang laki mo na ah? Hahahahaha!" Pabiro kong sabi ang tahimik niya eh. Ang kulit niyan dati eh.

"Okay naman. Di ka na payat ah? Hahaha" natatawang sabi eto talaga.

Ginulo ko ang buhok niya.

Namiss ko talaga tong babaeng to.

Yung mapulang labi niya isama mo pa yung maamong muka niya yung mahabang buhok na brown yung kinis ng muka niya. Ang ganda niya para siyang anghel.

"Uy wag mo kong tingnan gusto mo picture ko ayun nalang titigan mo." Seryoso niyang sabi.

"Mas maganda sa personal hahahahahahahahaha! Para live" biro ko sakanya.

"Luko ka parin talaga" Inakbayan ko siya. Mahal ko to kase eh bilang bestfriend lang talaga.

Nagkwentuhan kami.

"Rain knock knock..."

"Walang yelo!" Eto talagang babaeng to. Hahahaa.

"Ano meron? Puso mo meron?" Tanong ko sakanya.

"Sapak meron" naiinis niyang sabi nakakamiss lang kase tong asarin. Hahahahahahaha.

Pumasok na kami ng room. Dahil na tapos na ang recess.

Ang boring naman talaga... Haaay!

Rain's POV:

"Rain hatid na kita." Di ako tumanggi.

"Sige lang" nakangiti kong sabi.

Nasa kotse na kami nun.

"Gusto mo kumain ng Blueberry cheese cake mukang gutom ka na eh." Bigla niyang tanong. Kaya nagning- ning ang mga mata ko

"Oo naman! Tara go lang ng go hahahaha!" Omg.

Hininto niya ang kotse sa isang cafe. Maliit siya ang cute ng ambiance. Nilabas ko ang libro ko. Yung Eleanor and Park hindi ko pa kase siya tapos.

"Mahilig ka pala sa mga libro marami akong mga libro sa bahay eh hindi ko nababasa bigay lang siya ni Tita. Sayo nalang gift ko nalang sayo." Sabay kinandat.

"Basta ba pag libro sige lang hahahahaha. Gusto ko niyaaan."

Tumayo si Kurt may bibilhin lang daw siya. Ayon patuloy parin akong bumabasa. Kumapraso muna ako sa blue berry cheese cake ko. Samahan mo pa ng vanilla shake

Pagbalik niya may dala siyang pink na box.

"Para sayo Rain. Sana magustuhan mo hahahaha. Kaya mo yan tyak ubusin. Hahahahahaha!" Biro niya tiningnan ko ang laman ng box. Halaaaaa! Isang buong BLUE BERRY CHEESE CAKE for real?

"Waahhh! Thank talaga Kurt." Niyakap ko siya dahil sobrang saya ko talaga. Hahahahahaha!

Hinatid niya na ako sa bahay.

"Rain bukas nalang. Babay ingat ka ha?"

"Opo! Salamat ulit payatot."

"Payatot ka dyan ang taba mo. Hahahaha. Sige na pumasok ka na"

Pumasok ako ng bahay ng nakangiti. Kailangan ko magbagong buhay. Kaya ko to. Gusto kong sumaya ulit alam kong gusto nila Mama yun.

Thanks for reading vote and comment all the love x
Mahaba ba ngayon? Hahaha.

Love in the rainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon