Episode 2: Jollibee

9.5K 260 105
                                    

OH my God!

Am I really with the President right now?! Nanlalaki ang mga mata, napatakip na lang ako sa bibig ko. Hanggang sa ang initial na pinagawa ko na lang talaga sa kanya ay ang ibalik ang face mask sa kanyang mukha.

"Don't panic, Zabi. Ako lang 'to." He is now laughing. God, even his laugh! Katulad na katulad ito sa napapanood ko sa TV. He is really the President!

"So, what? Are you down with my bargain?" He asked but I am just too shocked to answer. "Oh, come on. Bakit ba laging gulat na gulat kayo everytime magpapakita ako sa inyo in public?"

Napakurap ako. "So, you mean this is not the first time you ever went outside without any bodyguards?!"

Doon ay ibinaba niya ang kanyang face mask. Nginitian niya ako nang proud. Ako naman ay nagpapanic na ibinalik ang pagkakasuot niyon sa kanya.

Jusko, anong klaseng Presidente ito? Walang takot!

"Eh, sorry to be nosy. Pero, bakit po? Trip mo lang ba 'to?" Kung oo, lintik siya. Delikadong trip itong pinapasok niya.

Para ba siyang nabigla sa tanong ako. He blinked. At one moment, I can clearly feel his mouth to close and open at the same time from his face mask. "Ah—right, yes. Trip lang 'to."

I facepalmed. Ano siya, bata? Paalala ko lang, 43 years old na siya, ah!

"You know what, Mr. President? I will take you to Malacañang Palace now. Masiyadong delikado kung mananatili ka dito nang wala manlang kasamang bodyguard."

"No," para bang batang nagmamaktol ang kanyang tono, "don't be a granny, come on."

"Then don't be a kid, Mr. President." Minsan talaga, hindi ko mapigilan ang matabil kong nguso.

"Okay, sige." He heaved a deep sigh, "I will let you take me in Malacañang in one condition."

"Ano po iyon?" Nagpapalinga-linga ako. Hindi mawala sa isip ko na maaaring may killer sa paligid. Kapag nangyari iyon, lintik! Damay ako rito!

"Makipag-date ka sa akin, kahit isang oras lang."

Nanlaki talaga ang mga mata ko sa narinig. "Mr. President, this is not the right time for that joke—"

"Seryoso ako."

"Mr. President . . ." I am now staring at him as if he is an obnoxious puzzle.

"Zabi," his tone is mocking.

"Mr. President naman!" I yelled in controlled volume.

"What?" Nagawa niya pa talagang tumawa, ah! "Isang oras lang, eh. Damot mo naman." Pagpapatuloy niya.

Napasapo na lang uli ako sa ulo ko. Jusko, ano ba 'tong napasok ko? Darna, help!

"Okay, one hour. Pero promise me, hahayaan mo akong ibalik ka sa Malacañang after." Nagpalinga-linga uli ako.

"Yes, Ma'am." He is now wiggling his eye brows. Ibang-iba talaga siya sa seryosong Presidente na napapanood ko sa SONA. Lintik.

"Saan mo ba gustong makipag . . ." naubo ako. Ang weird talaga ng araw na ito! ". . . makipag-date."

"Sa Jollibee."

Jollibee? Shuta? Ano 'to, high school? Sa jollibee ang date?!

"S-Seryoso ka po?"

"Why? Yep, serious here."

"Mr. President . . ."

Napapikit na lang ako nang tumango siya. Tila bang nagtitimpi, naikuyom ko ang mga kamao ko. Kung hindi lang talaga Presidente ang isang 'to, babatukan ko 'to! Punyemas!

The President's Paramore Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon