There is two products in every choice. There is joy for the chosen path and regrets for the path that we didn't choose. I'm afraid that right now, the latter is where I am current at.
Hindi ko na alam kung nasaan ako.
Masangsang ang buong paligid. Madilim. Walang liwanag ang natatanaw ko kundi iyong nanggagaling sa maliit na bintana sa bandang itaas ko. Hindi ako makagalaw. Nakagapos ang mga kamay ko sa isang pundasyon.
Nasaan ba ako?
I wanna cry. I f*cking wanna cry. Pero hindi ko lang talaga alam kung ano nga ba ang dapat kong unahin. Ang maiyak sa lungkot? Kasi ang gusto ko lang naman ay ang sagipin ang buhay ng mahal ko pero heto ako ngayon at nasa periglo? O ang matakot sa kung ano mang pwedeng sunod na mangyari sa akin dito sa pesteng lugar na ito?
Hindi ko na talaga alam.
Nandidiri na ako sa kalagayan ko. May basa kasi akong nauupuan mula sa aking pwetan. The feeling is fucking uncomfortable. Lalong lalo na ang sangsang ng amoy ng buong paligid. Hindi ko ito matagalan. Gusto kong maduwal. Gusto ko nang umalis dito.
Pero pinili ko na lang na pumikit. Pinili kong magdasal sa itaas. Nagsusumamo na matutulungan ako nito. Nagmakakaawa na sana ay nasa isang masamang panaginip lang ako.
Ilang sandali ang lumipas, isang malalim na hininga na lang ang nagawa ko. Dito ko na namalayan na may mainit na likido na pala ang tumutulo mula sa mga mata ko paibaba ng mga pisngi ko. Pero biglang napalitan ng pagkataranta ang puso ko nang bigla, magliwanag ang buong paligid.
At nanlaki ang mga mata ko sa bumungad sa akin.
Isang bangkay pala ang nakahiga sa tabi ko!
Nag-histerikal ako. Sumigaw ako nang malakas. Pero bigla akong napahagulgol ng iyak nang masilayan ang mukha ng bangkay.
"Yven!" I continued to go hysterical. Pinilit kong makawala mula sa pagkakagapos ng mga kamay ko. Kahit na dumugo pa ito ay wala na akong pakialam pa. "Yven?!"
Natigilan lang ako sa ginagawa nang makarinig ako ng malalakas na tawa hindi kalayuan sa akin. Tiningnan ko ang direksyon kung saan iyon nanggagaling. At mula doon ay may nakita akong dalawang lalaki na naglalakad palalapit sa akin.
Nang makalapit na sila sa akin ay naguluhan ako. Napakurap ako nang ilang beses.
Yven? He is smirking at me as he walked alongside with a man.
"Ang OA mo naman, love," sambit niya sa akin. Pero napapikit ako nang duraan niya ako sa damit, "darating tayo sa parte na 'yan. Maghintay ka lang."
Nang magmulat ako ay puno ng mga katanungan ang utak ko. Gulong-gulo na ako. Hindi ko na talaga alam kung ito ba ay realidad o isang panaginip lang.
Pero hinampas siya ng lalaki sa kanyang gilid. Siya iyong lalaki na ngisi nang ngisi sa akin sa events hall, "stop with that. Baka mamatay agad 'yan sa stress. Hindi natin siya magagamit para pasulputin si Lucho."
Lucho?!
May jaw dropped to the floor.
So, clone ang bastos na Yven na nasa harap ko ngayon? Pero sino naman itong bangkay na nasa tabi ko?!
Nang tingnan ko sila ay sabay-sabay silang nagtawanan, "easy! Hindi iyan ang nobyo mo. 'Yan 'yung clone na susunod sana kay Lucho kaso gago, eh. Spy pala nina gagong Leniah. Kaya ayan, pinatay namin."
Lumapit siya sa akin, hinawakan ako sa pisngi. Nanindig ang lahat ng mga balahibo ko, "at ikaw na ang isusunod namin sakaling maging matigas ang ulo ng nobyo mo."
![](https://img.wattpad.com/cover/330597204-288-k89980.jpg)
BINABASA MO ANG
The President's Paramore
General Fiction[WITH BENEFITS Series #1] ⚘️ Upon entering the crucial world of journalism, Zabiana Pascual promised herself to deliver nothing but authentic news-to make facts win against an era where fake news are constantly prevailing. But living with this kind...