Bagong Taon? May Bago Ba?

17 5 2
                                    

Bagong taon na!

May bago ba?

Isang taon na naman ang lumipas. Isang taon ng pakikibaka. Isang taon ng kasiyahan at pagluluksa. At isang buong taon ng pagsubok na aking hinarap. Kinaya ko naman. Oo nga. Hehe. Sige, slight lang!

Sa buong taon, hindi ko nasabing na-fulfill ko lahat ng dreams na gusto kong i-achieve. I even made lists of activities that I should do before the year ends and unfortunately— none of it has been accomplished. Pakiramdam ko, hindi ako na-satisfied sa mga pangyayari. Ang bilis kasi ng panahon. Parang pumikit lang ako at pagdilat ko, ay putukan na! At sa sobrang bilis ng panahon, hindi ko nabigyan ang sarili ko ng break para ma-accomplish ang mga bagay na gusto ko.

Siguro, out of 10 goals na na-set ko... 2-3 lang ang nagawa ko.

And it always happen every year.

It keeps on repeating.

I am, in some ways, felt disappointed kasi wala pa ring bago.

Kada taon, walang pagbabago.

Parang na-stuck lang ako level one at hindi na nag-level up.

Parang nagtanim ako ng palay sa burak at naghintay na tumubo.

Parang nagbo-bomba ng tubig sa poso ng butas ang timba.

I thought, “I did my best. But my best wasn’t good enough,” sabi ni James Ingram. Like, I felt ginawa ko naman ang lahat pero parang may kulang pa rin.

Ano nga bang kulang?

May dapat ba akong baguhin?

Like, ginagawa ko naman ang lahat bakit wala paring nagbubunga?

As I aged, dahil palaging failure ang kinahahantungan ng plano ko, I realized na baka nga dahil sa iisang path at iisang route lang ang daang tinatahak ko, sinabayan ng pagiging introvert ko, eh bumabalik at bumabalik lang ako sa umpisa. Hindi ako umuusad. Hindi umaandar ang mga plano ko dahil sa daang mala-racetrack na paikot-ikot lang.

Siguro, I have to change my way of thinking.

Nakasanayan ko na kasi na, “Ay sumasahod ako kinsena, okay na ‘yon.” At hindi ako nag-iinvest ng time para sa mga goals ko.

At napansin ko...

Kaya pala wala akong nasisimulan kasi...

Hindi ako naging passionate.

Hindi ko pinu-push ang sarili sa mga bagay na kaya ko naman.

Kumbaga sa sasakyan, wala akong gasolina upang i-mando ang sasakyan.

Nagkulang ako sa mga aspetong kinakailangan upang maging successful.

At iyon ang pagkakamali ko.

Lagi kong iniisip na, “Okay na ‘yan... Pwede na ‘yan... Sakto na siguro ‘yan...” kaya hindi ako umuunlad.

Hindi ako nag-e-effort.

Hindi pala ako dapat ma-satisfy sa; Okay... Pwede... Sakto...

I should drive myself. I should be more passionate. I should be determined.

What’s the essence of having tons of dream and goal if you aren’t passionate about it? Sayang effort lang.

Dapat ibang routa namang ang aking tahakin. Biglang liko. Baka magbago na ang landas na tatahakin ko kung sa daan na hindi ko nakasanayan ang tutunguhin ko. And I really hope, it goes well!

Madami pa namang taon ang lilipas, hindi ako mauubusan ng panahon para magsimulang muli.

At sana... IKAW RIN! (Hindi ako galit!)

Let’s start anew this year, okay? Gambatte!

Kaya naman...

Ngayong bagong taon...

May babaguhin na ako.

May magbabago na.

Promise!

Oo nga!

Hehe.

JOURNAL ng INTROVERTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon