Schoolworks? Yakang-yaka 'yan!

5 4 0
                                    

“Ang hirap ng pinapagawa niyo!”

“Hindi naman relevant ‘yan sa buhay namin!”

“Bakit ang daming school works? Pati sa bahay nag-aaral pa rin kami!”

Undergrad ako. I quit school after I passed my second year in college and, tulad ng iba, nagko-complain din ako about sa level ng difficulty ng ibang mga subjects at sa amount ng shoolworks/ projects/ assignments na pinapagawa sa amin during those times. Ramdam ko din na parang sobra naman na and nagko-cause na siya sa akin ng sobrang stress na ni mismo weekends nag-aaral ako. Nawawalan ako ng oras para sa sarili. Pero hindi ako nag-give up. I absorbed every lessons that I’ve taken and performed well in every school activities, but sa hirap ng buhay— I decided to quit. Na kailangan ko munang i-priority ang alam kong mas makabubuti kahit na alam kong masa-sacrifice ko ang sarili kong pangarap para lang sa ikagiginhawa ng pamilya ko.

And I must say, reading your complains about how much stress your school works causes you makes me so envious. I envy you. Nakakainggit kayo. Kasi nandyan na kayo sa punto ng buhay niyo na ilang taon nalang, makukuha niyo na ang diploma ninyo. Na ilang buwan at taon nalang ang guguglin niyo ay may degree na kayong hawak. Maaring professional na kayo mga ilang taon pa simula ngayon. Pero ako? Kahit pangarapin kong mag-aral ulit ay hindi pa pwede. May priorities akong inaalagaan at dapat na ako mismo ang gumawa. Gusto kong maramdaman ‘yong ambiance ng eskwelahan, maranasan ang mga school activities, ‘yong competion sa loob ng klase at mga kaibigang nabuo sa loob ng paaralan at magiging solido pa rin pagtuntong sa labas.

Nakaka-miss. Nakaka-miss mag-aral.

At dahil nagta-trabaho na ako ngayon at sumasahod ng minimal provincial rate, mas naintindihan ko ang relevance at importance ng pag-aaral.  At mas naiintindihan ko iyon habang tumatanda na ako. Kaya as long as may nagpapa-aral sa inyo, grab the opportunity. Dahil alam naman natin na it will just knock once in our lives so don‘t waste.

I know na mahirap, pero hindi iyon dapat gawing basis para kamuhian o mainis sa school department o sa institution o sa mga guro natin.

They giving us task  upang tayo ay hindi pahirapan, kundi hasain.

Para maging prepared. Maging independent. Maging ‘best version of yourself’. Maging successful balang araw.

Alam ko nahihirapan ka na. Ngayon lang ‘yan. But it will bear someday.

Kaya ka nga nag-aaral hindi ba? Para maging matagumpay. At para sa pamilya mo.

Kaya, mapapalad kayo dahil hawak niyo pa ang lapis at kwaderno ninyo samantalang kami‘y bumabangon para magbanat ng buto, para may makain kami pag-uwi.

Hawak mo na ‘yong ticket mo, naka-depende nalang sa‘yo kung papaano mo gagalawin ang mundo mo. Goodluck! 👌

JOURNAL ng INTROVERTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon