"Plain and Boring..."

9 1 0
                                    

MINSAN sumasagi sa isip ko, hindi ako ka-interesadong tao o walang special sa akin; walang kahit sino ang magkaka-interes sa akin. Napaka-simple ko. Dull. Plain. Napaka-normal ko na to the point na mukha na akong boring. No. Boring talaga ako. Walang tumatagal na kasama ako. Ang awkward ko kasi kausap at kasama. Hindi ako magsasalita kung hindi mo ko kakausapin. Hindi ako approachable at hinihintay ang ibang tao na lumapit at kausapin ako.

May times na, nilalapitan na ako upang kausapin pero wala akong  ibang maisip na sagutin kundi ‘oo... hindi... pwede’. Dinaig ko pa Pinoy Henyo kapag nakikipag-usap ako kaya ang ending— pass! May pagkakataon pa ngang hindi na ako sumasagot kapag may sasabihin silang nakakatawa kaya siguro hindi na sila ulit nagbiro sa akin. Hehe.

Hindi ko alam kung alam niyo din ang ganitong feeling, ha?

Gusto kong maging friendly, sociable at approachable na tao kasi I do believe na mas marami kang kaibigan mas male-lessen mo ‘yong burden mo kapag madalas mo silang makakausap o ika nga nila— share. Pero mayroon sa loob ko na hindi ko malaman kung bakit hindi ko magawang mag-open-up sa iba kahit alam kong handa naman silang makinig sa akin. Mga agam-agam. Hesitations? ‘Yong tipong gusto ng bumuka ng bibig ko pero nagdadalawang isip pa ako. ‘Yong sasabihin ko nalang ang mga salita pero nagho-hold back pa ako. Ang gulo no?

I thought na I will easily change this unlikeable trait of mine, pero ang hirap pala, lalo na kapag nakasanayan mo na and you’re living with it and possessing it through years.

But promise, if there’s someone out there na makakapalagayan ko ng loob, kukulangin ang isang araw upang kuwentuhan ko kung ano-anong mga bagay na natipon sa loob ng utak ko. I might look boring but my mind says the opposite.

And I really hope na ma-overcome ko ang ganitong struggle. Kasi nakaka-stress na. As in!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

JOURNAL ng INTROVERTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon