“LIBRE ko kayo sa Jollibee kase birthday niyo’ng dalawa n’ong nakaraan.”
Last Tuesday, niyaya ako ng close friend ko na kumain sa isang fastfood chain. Actually, dalawa kami. Birthday kasi namin dalawa ng isa ko pang friend. N’ong 18th siya ako naman ay nung 20th, same month. I was touched na may nakaalala sa akin n’ong araw na ‘yon kasi I never managed to tell everyone my date of birth para maka-iwas sa mandatory na libre and during that time din kasi ay nagtitipid ako kasi binili ko na ‘yong sarili ko ng gift na sapatos kaya wala din akong maipangti-treat sa mga kaibigan at co-workers ko kung magkakayayaan man. But still, naalala pa iyon ng tao na least na ini-expect kong makaalala sa akin.
So we went to Jollibee.
Nahihiya pa ako n’on. Kase ililibre daw ako. Samantalang dapat ako ng nanli-libre. He ordered my food, same as the meal that he ordered. Then we proceeded to the vacant table and cheerfully ate while talking about different things.
“Minsan lang ‘to,” sabi niya nang mabanggit ng isa pa naming kasama na nag-birthday na dapat hindi na niya kami ini-libre kase kung mayroon mang dapat na manlibre sa kanila ay kami ‘yon. Tumatango-tango nalang ako n‘on kasi wala naman din talaga akong balak na mag-treat sa kanila, hehe. Kaya naman n‘ong sinabi ng kaibigan ko na, “True friends lang din ang nili-libre ko...” ay mas na-antig ako kasi may nagte-treasure pa pala sa akin kahit na ganito lang ako.
Kuripot ako, oo.
Makunat, oo.
Boring, oo.
Pangit kausap, oo.
Plain at walang thrill, oo at aminado ako.
Pero despite sa self-criticism ko, mayroon pa palang tao na tingin sa akin ay totoo. I never looked at myself as a trustworthy being but yet someone defined me as his true friend. Natutuwa ako sa loob-loob ko na kahit na anong kamalian ko sa mga nagiging desisyon ko at tingnan ang sarili ko na isang taong punong-puno ng kapintasan ay mayroon pa rin palang kahit na isa na tingin sa akin ay totoo at mapagkakatiwalaan.
Alam kong marami akong kakulangan bilang isang tao, pero may nakaka-appreciate pa pala sa effort ko bilang isang kaibigan.
Napatunayan ko na, hindi pala talaga ako nag-iisa at walang silbi. Dahil may mga kaibigan pala tayong nandiyan upang ipabatid sa atin na mali ang tingin natin sa ating mga sarili.
If may ganitong klase kang kaibigan, i-keep mo sila.
At never mo silang kalimutan, lalo na kapag naging successful ka sa buhay. 🫶💕
BINABASA MO ANG
JOURNAL ng INTROVERT
RandomMy point-of-views in society and life as an introvert person.