Ako'y daw ay masayahin na tao,
Simple at hindi seryoso,
Pero mesteryoso at complekado,
Yan ang laging sinasabi ng ibang tao.Totoo ba ang mga ito?
Oh yon lang ang pinapakita ko?
Gusto nyong sabihin ko?
Cgie sasabihin ko, Kung ano ang totoo.Oo masayahin akong tao.
Pero, Hindi nila alam ang sakit na nakatago
Di nyo alam na gaano ako durog na gurog
Kung paano ako sa gabi na d makatulog.Na parang sinaksak ng isang libong patalim
At laging nakatago sa dilim
At laging nalulunod sa agos ng tubig na galing sa aking mata
Na parang binagsakan ng langit at lupa.Oo simple nga ako na tao
Pero ako'y seryoso
Muka lang na hindi pero yon ang totoo,
Kasi yon ang pinapakita ko.Isang masakit lang na salita ang sabihin nyo,
Tumatatak na yan sa isip at puso,
At d ko malimot limot
Gaya ng isang bangongot.Ako mesteryoso? Siguro?
Ako complekado? Medyo?
D ko rin maintindihan minsan ang sarili ko
Yung bigla bigla nalng nawawalaOk pa ako pagkausap mo
Pero minsan bigla nalang nakatulala.
Kaya medyo ako'y komplekado
Gaya ng lovelife nyo.Masayahin sa harap ng iba,
Parang binagsakan ng isang malaking bato kung nag iisa,
Ngumingiti at laging tumatawa sa umaga pagkasama ang barkada.
Sa gabi'y lungkot ang nakabalot at luha'y laging dumadaloy sa mga mata.Ako ay isang Maskara,
Sa likod ng isang masayahin
Pag kaharap ang iba
Ay baliktad sa ipinapakita.Maihahalintulad mo ako sa isang may sinding candila
Na nagbibigay liwanag sa kadiliman,
Na pag kunting ihip ng masakit na salitay
Napapatay agad at binabalot ng diliman.Kagaya isang bato natinatapak tapakan ng mga tao,
Kagaya ng isang puno na nakatayo sa malawak at madilim na lugar.
Kagaya ng isang salaming nahulog galing sa pader.
Kagaya ng barkong nalunod sa malalim at malawak na dagat.Nagsimula ito ng nasa highschool ako,
Paghuhusga, paghihinala at masasakit na salita
Discrimination at pagkukumpara
Problema ko'y sina sa akin at di binahagi sa iba.Ako'y umabot sa puntong gusto kong mawalan ng hininga,
Walang nararamdaman kumbaga'y na mamanhid na,
Gusto ng sumoko dahil di ko nakaya
Ngunit napag isip isip ko'y nandito pa ang aking pamilya.Kaya hito ako,
Nahihirapan mang labanan ang demonyong nakatira sa loob ko,
Lumalaban at nagpapatatag para sa pamilya at kaibigan ko,
At ito ang totoong ako sa loob ng maskarang sinusoot ko.Shanshinnee 🌟