CHAPTER 3 : Company (Louise)

1 0 0
                                    

She's kinda cute. Yung voice niya parang bagay sa akin. Yung height din. Tsaka like ko talaga sa girls ang long hair. Hindi ko alam kung bakit but I found it attractive eh.

Habang on the way ako. Ang MRT parang lata ng sardinas kapag rush hour. Ang init sa loob at siksikan pa. At hindi pa din mawawala ang eksena na, "Pagod ako eh" o kaya naman, "Malayo pa byahe ko eh" Ito yung madalas kong marinig sa mga lalakeng AYAW MAGPA-UPO NG BABAE. Kung magbibigay man sila ng upuan doon pa sa babaeng maganda. Kapag panget hindi binibigyan ng upuan. Nasaan ang hustisya? Hayzzz.... Kaunti na lang talaga kaming mga gentle boys.

At dahil nga isa ako sa mga exotic species. Dali-dali akong kumuha ng mauupuan pagka pasok sa MRT. Bakit? Kasi alam ko naman na walang lalakeng magbibigay ng upuan kaya kukuha ako ng upuan para naman maka upo yung karapat-dapat umupo sa upuan na yun. Kundi ang mga babae, matatanda, buntis, o may mga dalang bata. They deserve the seats. Ako hindi. Dahil malakas pa katawan ko. At isa pa. Lalake ako.

Pagka dating ko sa trinoma ay umakyat na ako sa pinaka tuktok nito. Yung garden. Nakipag kita na ako sa aking mga kaibigan and we start to perform to people. We give smiles to them. We astonish them to every act we make. Levitation, Disappearing, Mind reading, and Card tricks. Natutuwa kami everytime na may napapangiti kaming tao. It is our fulfillment na makapag pasaya ng tao.

Medyo badtrip din. Minsan kasi kapag nag aalok ka. Tinatanggihan ka. We offer magic for the sake of fun and entertainment. Hindi para magyabang. Masakit sa amin ang tanggihan. Lalo na hindi naman masama ang inaalok namin. Hindi naman namin sila nanakawan. Hindi naman namin sila aalukin ng droga. Hayzzzz..... Sana mabasa niyo to. Para alam niyo damdamin namin kapag tinatanggihan niyo kami. Pero its okay naman. Coz we know that not all of us believes in magic.

KURT: Pre. Last one naman. Mag magic ka ng malupet.

ME: Ako? Eh mas malupit ka nga sakin

KURT: Hahaha. Ulol pre. Ikaw kasi kinagigiliwan ng marami dito. Favorite ka nila.

ME: Ikaw nga mentor ko eh. Ikaw na lang.

KURT: Last one na pre. Tapos uwi na tayo.

ME: Sige.

Nilapitan ko yung isang babae habang naglalakad na mahaba ang buhok at nakatakip sa mukha. Binati ko siya at napa WTF ako dahil hindi ko sukat akalain na siya na naman ang makikita ko.

ME: Hi miss!

ROSE: Ikaw?!

ME: Ngeks! Nice to meet you again Rose.

ROSE: Anong ginagawa mo dito?

ME: Mukhang ako dapat magtanong niyan

ROSE: Nandito ako para bumili ng baraha. Nag libot lang ako sandali

ME: Para saan ang baraha? Sugal? Marunong ka mag tong its noh?

ROSE: Hindi ah! Sa kuya ko ito. Pinapa bili lang niya sa akin.

ME: Ganun ba. Patingin naman ng binili mo.

ROSE: (Ini-abot niya ang baraha sa kaniya)

ME: Nakita mo tong box na ito?

ROSE: Ay hindi! Hindi ako bulag noh!

ME: Hahaha. Naka sealed siya at hindi pa siya nabubuksan tama?

ROSE: Oo bakit?

ME: (Kumuha ng lighter at sinunog ang buong baraha)

ROSE: Punyeta ka!!!! Bakit mo sinunog ang baraha. (Laking gulat niya sa ginawa ni Louise)

ME: Wait! Wait! Wait! Wag ka matakot. Tignan mo to. (Nag labas ng tissue at sinindihan niya. Nag apoy ang tissue at sa isang iglap inilibas ulit ni Louise ang biniling baraha ni Rose)

ROSE: Oh! My! Anong ginawa mo!! (Gulat na gulat sa nangyari)

ROSE: Paano mo ginawa yun!? (Dali-dali niyang kinuha yung baraha at tinignan kung yun talaga binili niya)

ROSE: Kuya! Paano mo ginawa yun?

ME: Hindi ko din alam eh. Inborn yata.

ROSE: Kinikilabutan ako. Hindi ko naman alam na magician ka. Ang galing!

ME: Ahmmm... Sige Rose. Una na ko. Uwi na din ako medyo malayo pa bahay ko.

ROSE: Nice to meeting you again.

ME: Walang anuman.

Medyo gusto ko pa siya kausap. Nahihiya din ako kuhain cellphone number niya. Kaya I did a trick for here again second time pero this time sikreto ko ng ginawa sa kaniya.

KURT: Ang lupit mo talaga Louise.

ME: Mas malupit ka pa din Kurt.

KURT: Tara uwi na tayo.

ME: Sige uwi na kayo. Wala naman ako kasabay kasi cubao sakay niyo eh.

KURT: Uy pre! Ingat ah.

ME: Ghe ingat sila sa inyo.

Umuwi na sila at umuwi na din ako. Medyo gabi na din at nagugutom na ko. Kailangan ko ng kumain at ako'y nagugutom na. Kaya ito na ako'y pauwi na.

Ang saya. Masaya ang araw na ito. Dahil sa magic. At dahil din kay Rose.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Less You Will SeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon