Chapter 1 - I'll quit (Louise)

14 0 0
                                    

ERIKA : Wala ka ng inatupag kundi yang magic mo! Paano na lang ako? Nawawala na yung atensyon mo sakin. (Umiiyak)

AKO : Parang hindi mo naman alam na buhay ko na ang pag mamagic. Parang hindi mo naman alam na ito ang nagpapasaya sakin. (Nagpapaliwanag ng mahinahon)

ERIKA : So anong sinasabe mo ngayon? Sinasabe mo na mas mahalaga yang magic mo kesa sakin? (Nagsasalita habang naiyak)

AKO : Oo. Mas mahalaga ito kaysa sayo!

Ito ang paulit ulit na boses ang gumugulo sa aking isipan. Para bang sirang plaka na pagkatapos ay uulit muli sa simula. Bakit ko nga ba nasabi yaan? Totoo nga ba na mas mahalaga sakin ang magic kesa sa taong mahal ko? Ano ba mas importante sakin? Ang ngiti ng tao? O ang ngiti ng taong mahal ko? Its hard to choose between the two. The two are both important to my life.

ERIKA : Kung yan ang gusto mo! Maghiwalay na lang tayo. (Umiiyak at umalis papalayo)

Sa mga oras na palagi kong naaalala ang mga katagang ito ay nais kong mag lumpasay sa lapag sa kalungkutan at magwala sa galit. Bakit ko nagawa iyon? Bakit ko nasabi iyon?

Pero habang nag eemote ako sa isang tabi. May biglang kumonyat sa aking batok.

JAKE : Hoy! Tama na ang emote jan. Hindi ka babae. (Batok ng hindi gaanong kalakas kay Louise)

AKO : Hindi ako nag eemote (Nagulat at napalingon kay Jake)

JAKE : Joke lang. Eh ang lalim ng iniisip mo eh. May problema ba? (Umupo sa tabi ni Louise at tumingin din sa bintana kung saan natingin din siya)

AKO: Wala naman pre (Bumuntong hininga)

JAKE : Pare. Ang daming magagandang libro dito sa national library bakit parang ayaw mo na magbasa di tulad ng dati? (Malalim na tanong ni Jake)

AKO : Nag punta lang ako dito para mag muni muni. At hindi ko naman inaasahan na may darating na itlog na biglang babatok sa akin. (Biro niya kay Jake)

JAKE : Inaalala mo pa din ba yung nangyari sa inyo ni Erika? (Nag change topic si Jake)

AKO : Hindi (Madaling tanggi ni Louise sa kaniya)

JAKE : Pre ilang buwan na naka lipas siya pa dn yung iniisip mo? Move on na pre

AKO : Pre may tanong ako (Segway niya)

JAKE : Ano yun pre?

AKO : Ano mas mabilis, gravity o acceleration? (Seryosong tanong niya kay Jake)

JAKE : Depende kung anong acceleration. At depende din sa lugar na may gravitational pull na malakas. (Matalinong sagot ni Jake)

AKO : Mali pre. Mas mabilis ang gravity

JAKE : Bakit? (Pagtatakang sagot ni Jake)

AKO : Mabilis kc ang ma FALL kesa ang mag MOVE ON.

JAKE : Alam mo tep. (Ang nick name ni Louise) Gutom lang yan. Tara kain na tayo. Korni mo eh

AKO : Lul! (Madiin na sagot ni Louise)

Hindi ko alam. Para bang napaka lalim ng pinag huhugutan ko. Samantalang alam ko sa sarili ko na wala na dapat akong pag hugutan dahil anim na buwan na ang nakararaan simula ng maghiwalay kami ni Erika.

Habang nag uusap kami ni Jake. Medyo naiirita na ako sa kadaldalan at sa pagbabalik ng mga ala-ala ni Erika sa akin. At habang nangyayari yaon. Nakakaramdam ako na may darating. Feeling ko si Erika.

Hindi ako nagkakamali. Nakita ko siya na papa akyat sa hagdanan. Napatingin siya sa akin. Napatingin din ako sa kaniya. At sa titigan na yun ay nagkaroon ng short circuit. In teenager words, "may sparks". Napangiti siya at napa ngiti din ako. Pero bigla akong napa isip. Hindi ko na dapat siya alalahanin. Wala na dapat akong maramdaman sa kaniya. At dahil sa gusto kong takasan ang nararamdaman ko. Tumayo ako ng dali-dali sa aking upuan. Hindi ko na inalintana ang ingay na aking nagawa sa loob ng library. Lahat ay nag tinginan sakin. Pumunta ako sa bintana, tumingin ng malayo, at naglaho.

The Less You Will SeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon