CHAPTER 1.2 : I miss him (Erika)

17 0 0
                                    

Na impress ako sa kaniyang mahika na ginawa sa buhay ko. Na impress ako dahil  para bang nakalimutan ko lahat ng problema ko nung nagpakita siya ng magic sa akin sa Trinoma. Hindi ko sukat akalain ang ligayang bugso ng aking damdamin sa pagka mangha. May idea na ako sa magic. Alam ko na dinadaan nila ito sa bilis ng kamay. Alam ko na lahat ito ay may daya. Pero bakit ganun? Pinaliwanag niya sa akin na ang lahat ng magic niya ay walang daya.

"Walang daya ang magic, ang tanging daya lang nito ay nasa sarili mo." Masyadong malalim nung umpisa niyang sinabe ito. Ngunit nadama ko ang ibig sabihin nito nang siya ay nag perform sa akin. Hindi niya dinaan sa bilis ng kamay. Pinakita niya ito ng marahan. Ang galing ng mga kamay niya. Napa isip ako. Magaling dn ba yung kamay niya sa ano. Oopps... Im getting horny.

LOUISE : Will you pick a card for me (The card was fanned by his hand and handed it to Erika)

AKO : Kukuha ako isa? (Tanong niya kay Louise)

LOUISE : Opo. Kuha po kayo isa tapos tignan niyo po at pakita niyo rin sa cam. Wag niyo na din itago dahil ayos lang naman na makita ko yung baraha. Tapos paki pirmahan na din ung face ng baraha.(Maigi niyang paliwanag kay Erika)

Sinunod ko ang kaniyang sinabe. Pinirmahan ko yung baraha. At pagkatapos nun ay pinahawak niya sakin ang baraha. Tinupi niya ang gilid ng paulit ulit at pinapunit niya sa akin, pinakita niya yung punit sa akin (queen of hearts) at kaniya itong kinain at nilunok. Nagulat ako sa ginawa niya. Dahil isang katarantaduhan ang lunukin ang baraha. Hindi naman edible yun. Pero sabi niya, "Wait! Watch this". Sinubo niya yung barahang hawak ko at binalik yung punit sa baraha. Sa una nandiri ako dahil may laway. Pinunasan niya yung baraha. Pina tignan niya sakin kung talagang naka kabit yung baraha at walang sticky tape or kahit na ano. Tinignan ko ng maigi yung baraha. Tignan ko ng masusi. Kinalikot ko yung baraha sa kung ano anong paraan. Ngunit wala akong makitang something.

AKO : Kuya paano mo nagawa yun (sigaw ng pagka mangha ni Erika sa kaniya)

LOUISE : Hindi ko din alam eh. (Sabay ngiti kay Erika)

AKO : What the fuck kuya! Paano mo nagawa yun? (Muling tanong ni Erika)

Sobrang pagka mangha ko wala na akong inisip na iba kung hindi yung barahang iyon. Tapos may sinabe siya sa akin.

LOUISE : Miss may cellphone ka? (Tanong niya sa akin)

AKO : (Nilabas ko ying iphone ko)

*Calling "Quen of Hearts"

Kinilabutan na ako. Wala na akong masabi. Im totally speechless. Kaka meet lang namin. Paano niya nalaman number ko?

Ito yung mga pangyayaring sinasariwa ko habang papa akyat ako sa hagdanan ng national library. Ngunit, subalit, datapwat, nagulat ako ng pagkarating ko sa palapag na gusto ko. Hindi ko sukat akalain na siya ang makikita ko. Nagka titigan kami. May boltaheng sumaksak sa aking puso. Muling sumabog sa tuwa ang naramdaman ko nang makita ko siya. Nanumbalik ang init na aking nararamdaman. Yung libido na dumami sa katawan ko.

Ngunit ano ito? Bakit siya lumalayo sa akin? Bakit bigla siyang umalis?

"JAKE pigilan mo si Louise please!", sigaw ko kay Jake. Ngunit hindi na nahabol ni Jake. Tumayo siya against the window and stare at the sky. Bumagsak ang kaniyang mga damit sa lapag at nawala siya doon sa kaniyang kinatatayuan. Pumunta ako doon. Tinignan ang damit. Tinignan din ang lapag kung may secret way. Or baka may trap door doon sa kaniyang kinatatayuan. Ngunit wala. Wala siyang iniwan na bakas kundi ang kaniyang jacket, pants at sapatos.

Hindi ko alam ang aking mararamdaman. Mixed emotions. Tuwa, lungkot, pagka mangha, at galit. Sabay sabay na pumupukaw sa aking puso. Litong lito siya kung saan lulugar.

AKO : Jake sa tingin mo. Saan siya pumunta?

JAKE : Malay ko. Wala naman siyang sinasabe sakin. Baka nga walang damit yun eh. Hahaha (Tawa ng malakas at para bang nag bibiro pa)

AKO : Seriously Jake? Im asking you. (Tanong ni Erika sa kaniya ng seryoso)

JAKE : Hindi ka naman mabiro! Joke lang yun

AKO : Peste ah. Nagtatanong kasi ako ng maayos. (At sabay umalis si  Erika)

Hindi ko na inalintana yung gulong nangyari. Wala na akong pake sa mga susunod na nangyari at umalis na ko sa lugar na iyon para hanapin si Louise.

The Less You Will SeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon