§ RED's P.o.V §Maaga akong nagising ngayon para sa gagawing project namin mamaya ni Escutin.
Pinahanda ko na din sa mga maid namin yung mga pagkain para mamaya pero nag insist si mom na sya na daw magluluto para sa amin.
Excited lang yan si mom kase ngayon lang ako nagdala ng bisita dito sa bahay.
Hindi na din ako pumalag kase marami pa akong aasikasuhin.
Mga 7:30 ng umaga may nareceive akong text.-From: unknown no-
Si shan escutin to:) on the way na ako sa school. Ingat sa pagdadrive papuntang school:).'Tss saan naman kaya nya nakuha tong no. ko?' wala kase akong binibigyan ng no ko sa school. Yung mga kaibigan ko lang.
Yeah meron naman akong mga kaibigan kaso hindi sila napasok sa school kung saan ako nag aaral.
Agad na pumunta na ako sa baba para kunin yung kotse ko at pumunta na ng school. Nagpaalam muna ako kay mom at dad na aalis na ako."Ingat sa pag dadrive son" nakangiting sabi ni dad.
"I will dad. Im going now" sabi ko at lumabas na ng bahay.
'Tss parang may masamang mangyayari ah?'tanong ko sa isip ko pagkasakay ko ng kotse.
§ Shan's Pov §
Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako! Arrrrgh kainis na to! 'Shan chill ka lang!
Andito na ako sa school hinihintay ko lang si Red na sunduin ako.
Naka simple dress lang ako. Hindi na ako nag paganda kase gagawa lang naman ng project.
Habang nakaupo sa bench may napansin akong isang lalake. Mukhang nasa 40's na sya. Ang weird ng suot nya kase naka jacket sya tapos nakahood pa! Ganyan na ba mga uso nung panahon nila?
'Arrrgh Shan! wag mo na lang pansinin yan! Mag isip ka na lang ng maisusuggest mo sa project nyo!' isip ko na lang.
Kaso habang nag iisip ako may naramdaman akong taong nasa tabi ko at may naramdaman din ako na matalas sa bandang gilid ko.
'Nako lord wag naman po sanaa..'naiiyak na isip ko."Huwag kang magkakamaling sumigaw o lumaban dahil kapag ginawa mo yun isang saksak ko lang nito dadanak na ang dugo mo dito" buong boses na sabi ni manong.
Yeah sya yung weirdo na nakita ko kanina! 'Oh God help me pleaseee'
"A-ano p-po ba ang k-kailangan n-niyo p-po? Kung p-pera po sa sa i-inyo na po i-itong mga gamit k-ko!" nauutal na sabi ko.
"HaHaHa.." nakakatakot na tawa nya. Nakakaiyak na talaga!! Feeling ko ang hina hina ko:(.
"Hindi pera ang kailangan ko miss.."sabi nya sabay ng paghimas nya sa mga hita ko gamit ang mga kamay nya.
"M-manong m-maawa p-po kakayo sa akin.."umiiyak na sambit ko.
"Huwag kang matakot mabilis lang to! Hindi kita sasaktan pag sumunod ka sa akin" nakakadiri na bulong nya sa akin.Kinakilabutan na talaga akooo!! Nakakatakot si manong. Itinayo ako ni manong at wala na talaga akong nagawa kundi tumayo na din kaso hindi pa kami nakakalayo narinig ko ang isang pamilyar na boses.
"Take off your hands on her,if you want to still alive"rinig kong sabi ng isang lalakeng nasa likuran namin.
Nilingon naman sya ni manong at ganon na din ako.
Ayaw ko na merong tao na nakakakita na umiiyak ako.Pero sa sitwasyon na to? Siguro ang umiyak lang ang kaya kong gawin. Tumatawang nilingon sya ni manong na may nakakalokong ngiti.
"Hoy totoy! Wala namang agawan dyan! Marami dyang iba! Pumili ka ng iyo! Dahil akin na to!" matapang sa sabi ni manong sa lalakeng nakatayo sa harap namin.
Ang kalmado lang ng dating nya. At mas lalo akong naiyak dahil dumating sya...Si Red...
§ RED's PoV §
*Blaggggg*
Sinuntok ko ng malakas tong si manong na ubod ng bastos. Halatang nasaktan sya sa ginawa ko kase medyo nahihilo pa sya ng tumayo ito.
Bago sya makalapit kay Escutin hinigit ko na siya papunta sa akin at sinipa si manong sa likod nito.