Carren... (M)

18 0 0
                                    

Carren...

(May tugma at na walang sukat)


Tahimik kapag hindi ka kilala

Tititigan ka lang at hindi bibigkas ng isang letra

Hindi siya maingay kagaya ng iba

Ngunit mapapatula ka sa mga lumalabas sa bibig niya


Naalala ko noong kami'y nasa kolehiyo pa

Sa tatlong pirasong Siomai,kami'y busog na!

Sapat na ang kalalakad, kwentuhan, tawanan

Sa Burnham man o sa paradahan


Simple lang ang mga isinusuot na damit

Masaya na siya basta may iginuguhit

Kontentong nakikinig sa mga hilig na musika

Sabay na sinusuri ang panonood sa mga pelikula


May sariling mundo kapag kami'y nagsusulat sa aming kwaderno

Tinuturuan niya ako kung paano kumuha ng tamang litrato

Hindi maingay , madaldal at makulit na kagaya ko

Ngunit kapag nanermon ika'y mapapatahimik, sigurado ako!


Siya'y pinapahalagahan ng mga kaibigan

Maraming responsibilidad pero hindi napapagod na ika'y paalahanan

At kung maiparamdam niya ang kanyang pagmamahal

Hindi kayang bayaran kahit ginto't bakal


Kahit kami'y tapos na

Kahit siya'y butihin ng ina at ako'y NBSB pa

Siya parin si Carren Mae Marano na aking kakilala

Ang hindi nakakalimot kahit ako'y madami ng kasalanan sa kanya


TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon