Kaibigang Myka (by -rhen-)

29 0 0
                                    

Ika'y huli na nang aking nakilala

Sa bawat panahon, nagkaroon ng gana.

Nauutos ang oras sa katatawa

Kapag ang oras sa katatawa

Kapag kasama ka, kaibigang Myka.


Problema'y sa kwaderno ko sinusulat

Kulang na lang... magsilbi itong alamat

Pero sayo na kumakapit pag salat

Nakagugulat...mata mo'y dumidilat.


Taon ang lumipas nang tayo'y nawalay

Akala ko'y paalam na ang kakaway...

Pero ginawa'y sarili'y sinanay,

Kahit pa luha ko'y laging lumalaway


Paano ko kaya mabibigyan ng aksyon

Ang nakaratay sa susunod  kong misyon?

Magsisilbi na nga lang ba 'tong isang leksyon...

Sa isang natatanging maling desisyon?


Di naman natin hawak ang kapalaran

Upang maibalik ang ating nakaraan

Alaala'y nakamarka sa larawan 

Sa pinagsamang 'di pangkaraniwan.


At tadhana nati'y muling pinagtagpo

Nakalulungkot...madami na nagbago.

Di na tayo pabatang may sinto-sinto

Sa parehong kilos...naging kontrolado.



TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon