Oy! Ikaw Juan! (May tugma ngunit walang sukat)-- M

406 0 0
                                    

Oy! Ikaw Juan!

Project, home-work, exam

Ito ang nirereklamo kaibigan

Hindi naman tinatapos walang paki-alam

Oy! Ikaw Juan!

Bagsak ang resulta puro dahilan

Huli sa klase, minsan lumiliban

Gabi umuuwi parang tinamaan

Sulsol ng barkada napahamak ka na naman

Oy! Ikaw Juan!

Katamaran mo'y hindi maiwasan

Palagi ka na lang umaasa kay Batman!

Kaya grado mo lumagapak na naman

Oy! Ikaw Juan!

Utang na loob gumising ka na sa katotohanan

Sapagkat hindi ka uusad kung hindi ka gagawa ng paraan

Matatapos na ang mga ka-klase mo wala ka pang sinimulan

Oy! Ikaw Juan!

Ilang taon ka na sa kolehiyo kaibigan

Hindi ka na ba nahiya kailanman?

Hanggang ngayon walang pagbabago, walang napatunayan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon