amAIna (Shape Poetry)--M

31 0 0
                                    



Ama

Haligi ng tahanan

Malakas, matibay, maaasahan

Kahit anong sakuna ang dumaan

Laging nakaalalay sa pagsubok ng buhay

Hirap, pagod, pawis, lungkot, sakit, dalamhati ang puhunan

Mabigyan lang ang mga minamahal ng magandang kinabukasan

Hindi humihingi ng sukli bagkus pasalamat at pag-unawa ang namumutawi

Sa bawat yugtong ito ay kasangga, karamay at kaalalay mo ang may bahay mo

Kahit mahigpit na yakap at halik lamang ang iyong isukli siya na ay nakangiti

Madapa ka man ng paulit-ulit ay kaya ka niyang saluhin at unawain

Gumagabay mula sa loob ng tiyan, pagsilang at mga kabiguan

Laging nakahanda ang kamay upang umalalay

Kahit anong hirap ang maranasan

malaga, maaruga,mapagmahal

Ilaw ng tahanan

Ina


--Naiba ang shape ..HAHA .

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon