Chapter 6. *Being worried*

324 9 5
                                    

Done with I'm in love with a heartthrob, so this is next. Thank you for reading this. I swear! Marami kayong lessons na matututunan dito dahil naka plot na to sa utak ko hanggang ending. XD

------------------

Chapter 6 

Sammy's POV

"Whaaat? Sammy, pumayag kang sumama sa party ng lalaking yun?" Sigaw ng bestfriend kong si Austin kaya pinasakan ko siya agad ng french fries sa bibig.

"Anla! Sobrang ingay naman nito eh. Party yun ng kaibigan niya."

Nginuya niya muna yung french fries bago siya mag salita. "You know what Sammy, hindi kita pinipigilan na makipag kaibigan ka sa ibang lalaki, pero eto kana ngayon oh. Nagpapaligaw kana sakanya, sooner or later, mafafall ka sakanya. And natatakot akong dumating din yung time na masasaktan kana ng dahil sakanya."

Napasubo nalang ako ng french fries ng dahil sa sinabi niyang yun. Andito kami sa rooftop ng school at naka upo kami sa sahig.  Ganito kami lagi mag bestfriend. Para kami laging may ibang mundo. Etong bestfriend kong to, kahit may pagka baliw to, eh parang kuya slash papa narin sakin. 

"Sinesermonan mo na naman ba ko?" Then I gave him a death glare. Kumapit ako sa braso niya at sinandal ko dun yung ulo ko.

"Wag ka na ngang magalit sakin best. Please? Suportahan mo nalang ako dito oh." Tumingin ako sakanya at nakita kong para siyang nag iisip, "Please?"

Tumingin siya sakin, then after nun, huminga siya ng malalim. "Oo na. Sige na. Hindi naman kita matitiis eh!"

"Yan yung bestfriend ko!" :) Nilapag ko yung french fries ko sa sahig at kumuha ng ballpen sa bulsa ko. Hinigit ko yung kamay ni Austin at akmang mag susulat dun.

"Teka, anong gagawin mo?!" sabay higit niya sa kamay niya.

"Lalagyan ka ng tattoo?"

"Sammy, ayan ka na naman sa pagka isip bata mo eh. Anong ilalagay mo?"

"Ssh. Tignan mo nalang. Ang dami mo pang satsat eh. Batukan kita dyan eh!" Natawa lang siya sakin at kusa ng inabot yung kamay niya. Nag drawing ako dun ng bunny at parang may dialogue box pa sa tabi nun. Naka sulat sa dialogue box:

*S.A Bestfriends forever!* 

A/N: S.A means Sammy and Austin

Nakita kong napangiti siya at tumingin sakin. "Akin na yang kamay mo, mag dadrawing din ako."

Nag drawing siya sa kamay ko ng dalawang tao na parang anime. Isang babae, at isang lalaki. Sobrang ganda nung drawing niya na akala mo eh yung napapanood mo sa hero tv na animes. Magtataka paba kayo eh nung nag sabog ng talent sa pag dadrawing, nasa labas tong bestfriend ko. May dialogue boxes din yung sa drawing niya. Para bang nag uusap yung lalaki at babae. Sa dialogue box ng girl sabi:

*Sammy loves Austin!*

Tapos sa dialogue box naman nung lalaki:

*Austin loves Sammy*

Natawa lang ako sa drawing niya ng dahil sa sobrang cute at parang bata. Tumingin ako sakanya at pinisil ko yung dalawang pisngi niya. "Wala ka paring pinag bago. Isip bata ka parin!"

"Hala. Sino kaya isip bata na unang nag drawing sa kamay ko?" XD sabay hawak niya sa buhok ko at ginulo gulo yun. 

"Teka, bakit mo ginulo yung buhok ko?!" =___=

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

6 Ways to make a girl say YES. ☜♡☞ (Ongoing Series :))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon