Chapter 3. - First way -

389 9 1
                                    

Thank you po sa mga nag reread. Dedicated to 'xoxoParis' for being the first one to read-list this. 

-------------------------------------

CHAPTER 3

ELS' POV

Matagal tagal ko ding pinag iisipan kung ano ba yung bagay na hindi ko pa nagagawa lalo na ng dahil sa babae. Naisipan ko na never pa akong nag dala ng babae sa park. Karamihan kasi puro mall, nuod ng sine mga normal na ginagawa ng couple. Nabasa ko kasi sa magazine ng classmate ko na gusto ng mga babae yung date sa park. Well..  I'll give it a try.

Para maiba naman yung way ng pag dadate. Nakaka sawa narin yung ganun. Wala manlang adventure, wala manlang thrill. Kaya ngayon, gusto ko maiba naman. Sa park ko siya dadalhin. Tipid na, kaka iba pa! 

Nag lakad na kami papunta sa parking area, hanggang nasa tapat na kami ng sasakyan ko.

"Sakay na!"

"Ehh!" umiling iling siya.

"Bakit ayaw mo sumakay? Pano ko naman magagawa yung first way?"

"Mag commute nalang tayo kung kailangan nating sumakay. Ayaw mo nun? exercise pa!" tapos hinigit niya na ko sa kamay. Tsss! weird talaga ng babaeng to. Gusto pang pagurin yung sarili! 

Dinala ko nga siya sa park katulad ng plano. Tuwang tuwa siya kasi ang romantic daw.  She's really different, and kinda weird. Siguro kung ibang babae dinala ko dito nasampal na ako. Pero iba tong kasama ko. Weird ba or maybe she's just different from those other girls? 

-----------------------

Sammy's POV

Hindi ko ine-expect na sa isang park niya ko dadalhin since ang first way, gawin yung bagay na hindi niya pa nagagawa kahit kelan. Sabi niya sakin never pa raw siyang nakipag date sa isang park kaya dito niya ko dinala. Sabagay kapani paniwala naman kasi mukha naman talaga siyang yung tipo ng lalaki na hindi pumupunta sa mga ganitong lugar.

He has a taste when it comes to places. This place is beyond beautiful. Grassy with benches everywhere. Sa di kalayuan, there's play ground.  And the best part of this place is the lake beside it.   

"Mag boat tayo! Sakay tayo dun sa boat oh." Tinuro ko yung bangka na malapit lang samin. ito kasing park may katabing lake na pwedeng mamangka.

"Ayoko! Mahirap mag sagwan!"

"Ehhh! Akala ko ba gagawin mo yung first way? Eh gusto ko yun eh! Gusto ko sumakay dun!" hinigit higit ko yung dulo ng tshirt niya hangga't sa mainis na siya sakin.

"Oo na. oo na! fine!"

"Yeheeey!" Then hinigit ko siya papunta dun sa mga bangka na nakatali sa kahoy. Inalalayan niya kong sumakay sa bangka and nag punta kami sa gitna.

"Ang ganda pala ng view pag nasa gitna. We are in the middle of nowhere. Thank you sa pag dala sakin dito." Then I gave him a smile.

"Wala yun. Ngayon ko lang na realize that simple things can make you as happy as this."

"Oo naman. :) Teka, aminin mo na nga. Why are you doing this?"

"Kasi nga diba nililigawan kita. Engot din to eh!"

"Eh bakit mo nga ako nililigawan?"

"Bakit ba nanliligaw ang isang tao? syempre kasi nga diba, gusto kita." YOU LIAR. Alam ko namang hindi niya ko gusto eh. Nararamdaman ko yun. Pero kahit ano pa man, lokohin niya lelang niya! pero thankful parin ako kasi kahit papano nag tyatyaga siyang gawin yung 6 ways.

6 Ways to make a girl say YES. ☜♡☞ (Ongoing Series :))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon