KABANATA 10

3 0 0
                                    

"TELL me," panguulit ko sa sinabi ko pero tumitig lang siya sa akin.

Iba ang pagkakaintindi sa sinasabi ko. Pakiramdam ko kinakailangan ko na talagang tanungin sila tungkol sa nakaraan. Alam ko. Alam kong nangako ako noon na hindi ko na kailangan pang tanungin ang mga tao tungkol sa nakaraan ko dahil alam kong balang araw makakaalala rin ako... ngunit sa mga narinig ko galing kay Cindy kanina, sa tingin ba niya hindi na ako magtatanong?

I don't know!

Sabik akong malaman ang mga dahilan ni Cindy dahil sa mga narinig ko mula sa kaniya, naguguluhan ako.

"Tell me if she hates you, why does she hate me like that?" Naguguluhang tanong ko. Napapikit siya at huminga ng malalim.

"Oh, gosh! I'm not ready yet... not yet," bulong niya pero dinig ko iyon kaya mas lalo pa akong naguluhan!

"Not ready for what?" Naguguluhan pa rin ako! Malamang, wala ka ngang maalala!

Kunot noo siyang tumingin sa akin at umiling-iling pa. "Ang akala ko ba ay hihintayin mo pang makaalala ka para mas lalo mong maintindihan ang lahat? Iyon ang dahilan kung bakit hindi ako handa! I'm not prepared for this! Mabuti sana kung nasa city tayo at wala rito," maging siya ay parang naguguluhan na rin sa akin. Pero napaisip ako sa sinabi niya, so totoo nga ang iniisip kong may nagawa ako at hindi ko lang talaga maalala.

"Yes, I promised not to ask about my past to all of you! But do you think from what I heard from Cindy, I won't ask?" I told her. Hindi naman siya nakasagot. "Dahil base sa pananalita niya... p-pakiramdam ko... pakiramdam ko ay may malaki akong kasalanan na nagawa sa kaniya! That's why I'm asking you. Kung sa 'yo siya galit, bakit gano'n na lamang siya magsalita sa akin?"

Hindi siya nakasagot.

"Please... c-can you tell me?" Halos magmakaawa na ako sa kaniya.

"Aryana," tawag niya sa akin. Lumapit siya at hinawakan ako sa kamay. "H-Hindi ko alam k-kung papaano ko ito ipapaliwanag sa 'yo. Masyadong nakakagulat at hindi ko inaasan na tatanungin mo iyan ngayon. Masyadong mabigat ang mga nangyari sa nakaraan mo. Mabigat. Kung tutuusin mas gusto ko pang ganito ka... ganito kang walang naaalala maski isa sa nakaraan. Wala man ako sa sitwasiyon mo, alam ko ang mga nararamdaman mo noon." Tumitig siya sa akin sa mata. Lungkot. Lungkot at awa ang makikita sa mata niya ngayon.

"Tell me..." nasambit ko na lang.

Hindi nawala ang tingin niyang iyon sa akin. Ilang sandali ay tinanggal niya ang kamay niyang nakahawak sa akin at napatitig siya sa kawalan.

Gusto kong malaman ang mabigat na sinasabi niyang naranasan ko noon. Gusto kong malaman kung bakit hirap na hirap siyang ipaalam sa akin ang laman ng nakaraan ko. Gusto kong malaman ang sinasabi niyang kahit na wala siya sa sitwasiyon ko alam niya ang nararamdaman ko. I want to know her reasons.

"Isang araw may tumawag sa Dad mo at sinabing nasa hospital ka. You got into accident." panimula niya. Bumuntong-hininga siya bago magpatuloy. "Me, you and Cindy... we're best friends before. Tayo iyong magkakaibigan na ayaw sinasarili ng isa ang nararamdaman niya. Kung malungkot ang isa, dapat malungkot na rin ang dalawa. Kung may problema ang isa, nariyan ang dalawa. Kung may kaaway ang isa, kaaway na rin ng dalawa. Kung may nagawang kasalanan ang isa, magiging kasalanan na rin ng dalawa. That was the three of us before. Halos ituring na natin ang isa't isa na parang tunay na magkakapatid," nangingiting sabi nito.

Sa hindi malamang dahilan bigla akong nakaramdam ng kakaibang kirot sa puso, bumigat ito bigla! Sa paraan ng pananalita niya alam kong totoo ang mga iyon. Gusto kong tanungin sa kaniya ng diretso ang dahilan kung bakit nasira na lang ng gano'n ang pagkakaibigan namin pero gusto muna siyang pakinggan.

The Forgotten Past - [ONGOING]Where stories live. Discover now